Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia inurot sa paglantad ni Bugoy ng anak

0 206

Todo ang pagsisinungaling noon ng dating Hashtag na si Bugoy Carino na wala siyang anak.Pinabulaanan niyang isa na siyang batang ama.

Siyam na buwan na ang nakakaraan nang huli naming mainterbyu si Bugoy sa ‘The Greatest Show’ presscon. Pinanindigan niya ang katagang ‘Hindi pa ako tatay. Hirit pa niya natatawa na lang siya sa lumalabas na balita.

Kahit sinabi na namin nadulas ang kapwa-Hashtag niyang si Jon Lucas pero todo deny pa rin. Hirit pa niya baka nagbibiro lang si Jon.

Sey pa niya,tinatanong nga raw niya si Lucas kung paano maging tatay dahil sa takdang panahon ay magkaka-baby na siya.

Itinanggi rin niyang may binyagang nangyari.

“Kung nagpabinyag ako, di sana may mga picture nang kumalat,” sambit pa niya.

Hindi rin namin siya tinigilan at ang huling tanong namin sa kanya paano kung may isang bata na paglaki sasabihing siya ang tatay ko pero tinanggi ako?
Pakli niya masakit daw sa isang bata na itago ng tatay niya pero hindi pa raw siya dumarating sa ganoong situwasyon.

E, di wow!

Related Posts

Pero kahapon nilantad niya ang anak nila ni EJ Laure sa kanyang Instagram acount.Nagbago na ang ihip ng hangin.

Ang caption niya ay @iambugoycarino03 ,”HAPPY BIRTHDAY TO ME!”

“Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!”

Mabuti naman dahil inamin na niya ang isang katotohanan na tinago niya rin ng lampas dalawang taon.

Finally sumunod na rin siya kay Sofia Andres na inaming may baby na.

“Oo nga eh birthday niya eh. 18 na kasi.H a!ha!ha!,” reaksyon naman ng isang malapit kay Bugoy na mula’t simula ay inamin niya sa amin na may baby na ang aktor.

Isa na lang ang inuurot ng mga netizen na umamin. Ito ay si Julia Montes na hanggang ngayon ay wala pa ring pruweba na may supling na siya. Matatandaang natsimis din ang aktres na umano’y nanganak din ito pero hanggang ngayon ay walang kumpirmasyon.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.