Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia inuurot maging tutor ni Joshua

0 473

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam ni Mikaela Martinez, natanong si Julia Barretto kung ano pa ang gusto niyang mangyari sa buhay niya sa kabila ng pagiging accomplished actress nito at a young age.

Aniya, gusto raw niyang makatapos ng kolehiyo.

Bet daw kasi niyang maranasan ang buhay ng isang estudyante na uma-attend sa mga klase at gumagawa ng mga assignments.

Sana raw pag matapos ang pandemya ay matupad ang pangarap niya na makabalik sa iskul at mas gusto raw niyang ma-experience iyong pag-attend ng classes physically at hindi online.

Wish din niya na makatapos ng kahit short course at magkaroon ng diploma.

Sa tanong naman kung ano sa palagay niya ang kanyang ginagawa o propesyon kung sakaling hindi siya naging artista, aniya, marahil daw ay isa siyang preschool teacher.

“Right now, if I wasn’t in the showbiz industry, I think I would be abroad, studying, or finishing up college cause I haven’t done college at all,”aniya. “It’s still a goal of mine to be able to do that. But, you know what, let’s say if I didn’t take on being an actress as a career, I think maybe a preschool teacher. Something to do with kids. I’m into kids,” ani Julia.

Sa tanong naman kung sino ang pinaka-clingy sa kanilang magkakapatid, aniya, wala raw na raw iba iyon, kundi siya.

Masasabi raw niya kasing siya iyong tipong pinakamalambing din sa kanilang magkakapatid.

Marami naman ang bumilib sa wit at intelligence ni Julia sa kanyang mga panayam.

Sey nila, may class at sophistication din daw ito kapag ini-interview.

Papasa nga raw itong teacher dahil at her age ay mature na itong mag-isip.

May mga nang-uurot naman na puwede siyang maging tutor ng dating bf na si Joshua Garcia sa Ingles.

Napabalita kasing si Joshua ang papalit kay James Reid para makapareha ng Momoland member na si Nancy Mcdonie noon na sigurado raw na mano-nosebleed sa Ingleserang Koreana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.