Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia isasabong kay Bea

0 191

Hindi! Wag kayong masyadong excited my dear TONITE readers dahil hindi si Julia Barretto ang trending topic na bet isabong kay Bea Alonzo, kundi si Julia Montes.

Sa Twitter, namayagpag ang pangalan ni Binibining Montes bilang karapat-dapat humalili sa proyekto ni Queen Bea na was shelved because of the pandemic, ang ”Kahit Minsan Lang.”

Ngayong under GCQ with some restrictions na ang NCR+, may karapatan naman ang network na hindi binigyan ng prangkisa na buhayin muli ang drama at ibigay nila kay Montes ito. Hindi naman pwedeng ikaila na mahusay ring umarte ang this Julia kaya tiyak mabibigyang buhay niya ang katauhan dati ni Alonzo.

At sa rebelasyon ni Montes sa isang panayam na mas pinili niya at kung sino man ang kanyang karelasyon na sa “kanila” lamang ito at sa kung sino man ang iniisip nating lahat ay yun na nga iyon. Huwag na nating basagin pa ang trip nila ni Rodel Nacancieno, na mas kilala nating lahat bilang si Coco Martin.

Kaya para matigil na ang mga hindi kumikilos ayon sa kanilang ganda ang mga anti-Bea Alonzo being a Kapuso, sige na Julia Montes, kung talagang iaalay sa iyo ang naunsyaming drama, gawin mo na, please. Para mabawasan naman ang poot at suklam sa social media.

Janine ‘kinasal’ kay Paulo

Kung paniniwalaan natin ang mga numerical indicators na meron ang “Marry Me, Marry You,” sa kanilang mga social media site, off to great a start ang romantic dramang pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Sa mismong ABS-CBN Facebook page, ang 10 minuter video kung saan ipinakilala ang mga katauhan at ipinakita ang kasalan nina Gutierrez at Avelino bilang Camille at Andrei, may 2.5million views na at sa YT naman.May almost 800views na ito and these numbers are getting bigger everyday.

At hindi pwedeng pagtaasan ng kilay at pagdabugan ang “wedding video” dahil kita talagang kinarir ito. Bongga ang flowers, may sakura, Ecuadorian roses at ang color palette talaga ay pink, in all its many hues and shades.

At super glossy ang look at feel ng video. Top notch din ang casting. Andiyan ang seasoned stars tulad nina Cherry Pie Picache, Vina Morales at Edu Manzano. May young bloods , sina Jake Ejercito, Keann Johnson at siyempre pa ang center of its universe, sina Janine at Paulo.

Parang sina Gutierrez at Avelino ang ipamamalit sa feel good tambalan dati sa Dos nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap .

SM food to go Banner Ad

May nago-opinyon naman na ang bagong tandem na ito ang hahalili sa tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na kasaluyang nasa Timog network na.

At hindi pwedeng itanggi na Janine and Paulo ay talagang lovely pairing. May mga look of love in their eyes talaga ang dalawa lalo na sa wedding sequences, huh!

Kung wala ngang Rayver Cruz sa buhay ni Gutierrez, ang diva that you love, sisigaw na dapat na “mabuhay ang bagong kasal” para sa dalawa, huh!

In the nearest future nga kaya maging mag-my husband and my wife kaya sila Janine Gutierrez at Paulo Avelino? Kaabang-abang na kaganapan, huh!

James walang napatunayan sa akting

Totoo nga kaya ang chika na kaya mas pinili ni James Reid na maging record producer at mas paigtingin ang kanyang pagiging mang-aawit eh dahil umay na siya pag-arte?

Talagang lang ha. Magaling at marunong na ba siyang umarte? Kailan pa? Eh kaya lang naman siya pinapanood dati ay dahil dalang-dala siya ni Nadine Lustre, ang jowa niyang naging ex at ngayon ay best friend na lang daw niya.

Bahala na kayo diyan kung bet niyong paniwalaan ang premise ng made with kiyeme latik.

Napaka-iresponsableng pagpapakatotoo ang “umay” na pahayag lalo na nga’t wala pa namang napapatunayan talaga pag dating sa pagiging mahusay na aktor si Ginoong Reid. Wala pa siyang nakakaparehang iba. Wala pang ibang artistang babae na nakipagtagisan siya sa acting department or lalaking aktor for that matter.

At ang vocal prowess niya naman, ni hindi nga kasing husay ng lead singers ng mga top P-Pop groups at millennial bands tapos singing talaga ang kanyang gustong maging bentahe.

Sa true lang tayo, may isang James Reid song na ba kayong natatandaan at kinanta niyo, my dear Abante TONITE readers?

Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.