Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia, Janella ‘di nag-uusap

0 127

NI: VINIA VIVAR

Inamin ni Janella Salvador na hindi na sila nag-uusap ng dating kaibigan na si Julia Barretto. Sinabi niya ito sa YouTube vlog ng celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan.

Isa sa mga tanong kay Janella ay kung kumusta na sila ni Julia.

Napa-‘ha?” si Janella at nagkatawanan sila. “Me ganu’n?” sey ng aktres.

“Sasagutin ko. Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon ni Julia. And there was an issue before na hindi ko na sasabihin pero alam n’yo na kung ano ‘yun,” simula ni Janella.

Ikinuwento rin niyang nag-reach out naman sa kanya si Julia nang malaman nitong buntis siya.

SM food to go Banner Ad

“Nag-reach out siya nang nalaman niyang buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako. Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin,” she said.

Pero pahabol ni Janella, “open naman ako in the future if ever magka… you know, if we cross path again, then why not? But right now, hindi kami pa nag-uusap.”

Ang sinasabing issue marahil ni Janella ay ‘yung napabalitang pag-unfollow ni Julia sa kanya at kay Joshua Garcia sa Instagram noong 2019.

‘Yun ‘yung panahon na kainitan ng loveteam nina Janella at Joshua sa Killer Bride but at that time naman ay break na ang aktor kay Julia.

Sa ngayon ay naka-follow na ulit si Julia sa IG accounts nina Janella at Joshua pero hindi na niya nalinaw pa up to now kung bakit siya nag-unfollow sa dalawa that time.

Leave A Reply

Your email address will not be published.