Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia keber manligaw sa lalaki

0 268

NI: ARCHIE LIAO

Sa recent vlog ni Marco Gumabao, inamin ni Julia Barretto na kapag type niya ang lalake, willing daw siyang magparamdam dito.

Hindi rin big deal sa kanya ang manligaw sa lalaki.

Sa kanyang mga naging karelasyon, wala naman siyang sinabi kung siya ang unang gumawa ng move para magpapansin sa mga ito.

Sa naturang vlog din, umani rin ng batikos sa ilang netizens ang umano’y kabobohan ng aktres pagdating sa Math.

Sey nila, tila pabiba lang ito.

Nasabi kasi ni Marco na gusto niyang imbitahan ang kanilang tig-dalawang avid fans ni Julia para makainuman sa next episode kung sakali.

Sey naman ni Julia, cool ang idea ni Marco at siguradong magi-enjoy silang apat.

Kinorek naman ni Marco ang addition ni Julia at sinabing anim ang tamang bilang.

Bumawi naman si Julia at nagwikang mabuti na lang daw at maganda siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.