Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia lilipat sa Viva

0 247

Totoo kaya ang tsikang aalis na si Julia Barretto sa Star Magic at lilipat na sa pangangalaga ng Viva Artists Agency?

Ayon sa balita ni katotong Mildred Bacud sa KUMU show nila na Real Talk With Friends kasama ang ibang mga kasamahang sina Roldan Castro, Fernan de Guzman, Blessie Cirrera, Rommel Placente, Boy Romero and Rodel Fernando may source siya na nagsabing lilipat na nga si Julia sa Viva.

May nakausap din kaming isang very reliable source na nagtsika rin sa amin na lilipat na nga sa Viva ang aktres at parang gusto nga rin naming maniwala since ang magulang ni Julia na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto ay produkto ng Viva.

Ang alam namin ay may project pa si Julia sa ABS-CBN dahil kasama siya sa cast ng Cara Y Cruz na isang digital series at mapapanood sa iWant at Kapamilya Channel.

Well, sabagay, management lang naman ang pinalitan ni Julia at pwedeng-pwede pa rin siyang mag-work sa ABS-CBN dahil marami namang Viva talents na may show sa Kapamilya network.

Abangan na lang natin ang announcement ni Julia if ever in the coming days.

Leave A Reply

Your email address will not be published.