Abante Tonite Interactive

Julia, Liza, Janella okarayan sa instagram

273

Pinagpistahan ng mga netizen ang palitan ng komento nina Julia Barretto, Liza Soberano at Janella Salvador sa Instagram. Talaga namang ang daming naaliw dahil nagtuturuan silang tatlo kung sino ang mas maganda sa kanila.

Nagsimula ang biruan ng tatlong young actresses dahil sa mga sunod-sunod na post ni Julia na naka-swimsuit sa IG account nito.
Komento ni Liza, “You need to STOP. Before we all have heart attacks. Youre just so beautiful.”

Sinagot naman ito ni Julia, “Excuse me miss do you realize how much heart attacks you’ve already given us with ur beautiful face because I lost count of mine.”

Biglang appear naman ang Janella sa usapan at aniya, “@juliabarretto @lizasoberano All the heart attacks in this country are being caused by both of you so YOU BOTH BETTER STOP.”

Sinagot na naman ito ni Julia, “@superjanella do you realize that eve­ry single time @lizasoberano and I have to perform with you with ur perfect face and ur perfect voice we get a heart attack so YOU STOP,” ang reply ni Julia.

Tawa nang tawa ang mga netizen at ang komento nila, magsitigil silang tatlo dahil inggit na inggit na sila.

“Jusko magsitigil na kayo maawa nman kayo sa amin na hndi biniyayaan ng magandang lahi huhuhu Hustisya,” komento ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “@superjanella@lizasoberano @juliabarretto PLS STOP i cant breathe.”

Saad naman ng isa, “@juliabarretto@lizasoberano @superjanella you three need to stop, do you know how many women had heart attacks because all of you are so damn gorgeous and perfect? You made us all wanna be like you girls So much love for the three of you.”

Pero siyempre, may mga negatibo pa ring komento at nag-iisip na nagpaplastikan lang ang tatlo. May nagsabi ring pwede naman silang magpurihan in private at hindi na kaila­ngang idaan pa sa ­social media.