Abante Tonite Interactive

Julia Lopez nag-donate ng chapel worth P1M

3,441

Okay na okay ang buhay ko dito sa States,” bungad ng da­ting sexy actress na si Julia Lopez-Halili.

Isa na siyang American citizen. Kambal ang anak niya. Ito’y sina Rainier Halili at Jilliane Halili.

Napanood si Julia nu’ng 2001 hanggang 2005 sa pelikulang “Paninda,” “The Master Mind,” “Bangkero,” “Sagad “ “Amorseko: Damong Ligaw,” “Tatlong Tsuper ng Taxi,” “Bedtime Stories,” “U-belt,” “Sa Piling ng mga Belyas,” “Mano Po 4.”

“Sa TV lang naging bongga ang career ko sa dami kong ginampanan na role.Pinakamalaki kong tv series ‘yong kasama ko si Paolo Contis, love team kami sa ‘Who’s your Daddy Now?’. Last kong ginawa ay sa TV5 ‘Lokomoko High’,” lahad niya.

Na-nominate siya sa 21st PMPC Star Awards for TV para sa Best Comedy Actress ng ‘Who’s Your Daddy Now’.

Kuwento pa ni Julia bago siya nabuntis ay nagtatrabaho siya sa dental office ng asawa niya bilang receptionist. Pero ngayon ay full time mommy siya ng kambal. Ang mister naman niya ay dentist sa San Francisco, California na may dalawang locations Milpitas at San Jose.

Sino ang nag-influence sa kanya sa showbiz?

“Wala sarili ko lang at hilig kong umarte. May gusto kasi akong patunayan sa buhay na kahit broken family, e, kaya kong mabuhay. Kaya kong abutin ang pangarap ko para sa family. Natupad naman at nakakatulong pa ako sa iba. Mas madami pa akong natutulungan, di lang family ko lahat ng tao na nangangailan. Lagi akong to the rescue na walang kapalit o ‘pag alinlangan para sa kapwa,” bulalas niya.

Ano ang nakikita niya sa sarili niya after 10 years?

“Ang nakita ko ay masaya. Nagbalik-loob na ang mga kababa­yan ko sa Cebu after mag-donate ako ng isang chapel na worth 1 million. Di biro ‘yon kaya super proud po ako sa nagawa ko at gusto kong mapalapit sila sa Diyos.”

Kung may chance, gusto ba niyang bumalik sa showbiz?

“Maybe. But not now. I need more time para sa family ko especially sa twins ko na super love ko at inspiration sa lahat. Sila ang treasure ng buhay. Puwede kong sabihin I’m so blessed! Wala na akong hihilingin pa. If meron man ‘yon ay ang mapalaki ko ang kambal na mabuting tao,” pagtatapos niya.