Abante Tonite Interactive

Julia magsasalita sa ‘panganganak’

2,034

Ikinatuwa ng mga fan ni Julia Montes ang Instagram post ng management niyang Cornerstone Entertainment, Inc. kung saan ay makikita ang larawan ng aktres sa kanyang pagbisita sa office ng kompanya.

“What an exciting year for our Daytime Drama Queen @montesjulia08 ! Thank you for visiting us!” ang caption ng Cornerstone.

Ito ay pagkumpirma na balik-showbiz na nga si Julia ngayong taong ito matapos magpahinga ng mahigit isang taon.

Matatatandaang buong taon ng 2019 ay hindi napanood si Julia at ang huling teleserye pa niya sa ABS-CBN ay “Asintado” in 2018. Pagkatapos nito ay nagpunta na ng Germany ang aktres para dalawin ang German father at nagtagal na siya roon.

Kasabay ng kanyang pagkawala ay ang napakaraming tsismis tungkol sa kanya. Na kesyo buntis daw kaya umalis na diumano ay si Coco Martin ang ama.

Hindi tumigil ang tsismis at nanganak pa nga (literally and figuratively) dahil sa tsikang nanganak na ang aktres.

Ngayong nagbabalik na sa showbiz si Julia, for sure ay ito ang isa sa unang-unang lilinawin sa kanya ng media and siguro naman ay it’s about time na rin na ma-address ito na galing mismo sa kanya once and for all.

Juday 35 pamilya ang tinulungan sa Taal

“Trying to help in our own little way” ang caption ni Judy Ann Santos sa mga kahon-kahong grocery items na binili niya para sa biktima ng Taal Volcano eruption.

Actually ay hindi nga ito “little way” dahil napakaraming donasyon ang ibinigay ni Juday na makikita rin sa kanyang Instagram account. Bukod sa grocery items ay bumili pa siya ng malalaking reusable boxes para paglagyan ng mga relief goods at mahal din ang isa nu’n, huh!

“These reusable boxes will be sent to 35 families tom. Affected by the taal eruption.. because by using reusable boxes, instead of plastic bags ang paglagyan natin ng ating mga tulong sa mga kababayan natin .. sabay nating natutulungan mabawasan ang pagdagdag ng barusa sa mga evacuation areas.. sama sama tayong babangon para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong at pagdamay,” ang caption ni Juday.

Sa kanyang Instagram Story ay makikitang bukod sa siya ang nag-grocery mismo, sila rin mismo ng kanyang pamilya ang nag-repack ng mga goods. Tulong-tulong sila ng asawang si Ryan Agoncillo at mga anak.

Bukod dito ay gumawa pa si Juday ng packed meal na siya mismo ang nagluto.

“These bowls are going to 120 individuals. . .#madewithlove,” ang caption ni Juday.

Kudos sa aktres at sa iba pang celebrities na nag-e-effort talaga para makatulong sa ating mga kababayan sa Batangas.

Pagkatapos ma-stranded sa HK:

Rufa Mae sa ospital ang bagsak ng anak

Matapos ma-stranded sa Hong Kong noong kasagsagan ng Taal ash fall ay nakauwi na sa ‘Pinas si Rufa Mae Quinto and daughter, Alexandria Athena pero pag-uwi naman nila ay nagkasakit naman ang kanyang unica hija.

Nag-post si Rufa Mae ng larawan nilang mag-ina habang nasa hospital bed sa Makati Medical Center. Kwento niya ay nagkumbolsyon daw si Athena na talagang ikinaloka niya.

“Feeling ng ina na mag kumbulusyon ang anak dahil sa taas ng lagnat… nanigas kamay ,katawan,Tirik mata, hinde ko alam Kung may effect ang pagsabog ng taal volcano sa sulfur , ash fall , nasinghot ata ang hangin etc or Baka pagod, sa weather …. sa flight ,not sure, malalaman natin yan sa pagbabalik ni Dr. @ayenuguid …

“We did all the test.. for now wala ako maramdaman, tulaley Rufa mae , nabuhusan ako ng Malamig na tubig nananaginip ata ako, feeling numb and all, anak be strong! Mommy is here . I love you,” ang bahagi ng caption ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae)

Pero okay na raw ngayon ang kanyang anak at hopefully raw ay makalabas na ng ospital.

“Thank you Lord at ok na si @alexandriamagallanes and the best Doctor , Pedia @ayenuguid ! I know we are in good hands… uwi na din sana kami para chill na 💕 go go go ! Todo na to! Positivity ! Yassss😍 daddy @trevvvsilog we are being taken care of ! Ok na , don’t worry be happy baby,” ang saad pa ni Rufa Mae.