Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia mamaniin na kontrabida

0 136

Pareho kong hindi bet ang pagtatapos ng “Misty” at “The World Of A Married Couple.: Wala kang pwedeng ipintas sa story development nito, production values at husay ng mga bidang Koreano pero ang ending talaga, hindi lang bitin, ang hirap arukin bakit ganun, juice colored! ( Ganyan din ang pakiramdam ko sa ending ng Misty-ED).

Kaya nga ang diva that you love, hindi na nagtaka kung bakit ang pretty young miss Julia Barretto, gustong maging kontrabida ala-Da Kyung na siyang nagsilbing nagsilbing bubog sa super popular K drama.

Parang hindi naman mahihirapan ang relatively young Barretto dahil kontrabida naman ang tingin sa kanya dahil nga hindi ba, magpa-hanggang ngayon, marami ang nanalig na siya ang nag-jinx sa relasyon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson?

Oo, lumang-luma na ang akusasyon pero para sa mga babae at baklang may naging karanasan na agawin ang kanilang sinisinta, lahat ng mga ito, kay Alonzo napunta ang sympathy votes.

Kaya kung darating nga ang panahon na may katauhan kang tulad ni Da Kyung, walk in the park sa iyo yun, ning. Maning-mani mo. Sa true lang.

Baklang duwag ‘di na uso:Lalaki ni Rustom pangalanan

Obviously, buhay na buhay pa sa kaibuturan at pekeng pagkababae ni BB Gandanghari ang namayapa na raw na si Rustom Padilla.

Bakit kaniyo? Mantakin niyo naman, ang nakalipas na di na maaring balikan at di na dapat pang isiwalat, ang bakla, parang lumang plaka sa pagyakyak sa kanyang past tungkol sa isang minamahal.

Ang nakakaloka pa,itinatago pa ni Gandanghari with this and that name ang blast from the past chika niya eh give away na away naman kung sino ang kanyang iniirog sa pantasya.

Kung mababasa niyo kung anong proyekto ang pinagkabalahan ni BB noong siya ay si Rustom pa sa San Francisco, at panalo ang inyong kakayahan sa deduction at best in alin, alin, alin ang naiba kayo, by this time kilala niyo na dapat ang hombreng minsan ay minahal niya at minahal rin daw siya.

Taob ang kahit na sinong bida sa BL drama dahil ang homme niyang tinatangi, lalaking makisig, maganda ang mukha at tindig talaga.

Kung tunay na may pagmamahal ang namayapang si Rustom sa lalaking ito, sana ang baklang si BB, wag na ikwento pa sa kanyang vlog ang chapter na ito. Gullible lang ang maniniwala lalo na nga’t ang story teller eh infamous for waging wars with people na ang supposedly kasalanan na ginawa sa kanya ay so many years ago, in a kingdom far, far away pa,

At isa pa, kung totoo ang hinahabi niyang kwento at hindi pantasya, total patay na naman si Rustom according to him, itodo na niya dapat ang reveal at PANGALANAN ANG LALAKI niyang minahal raw siya.

Pangatawanan at ipaglaban mo na ang version of truth mo BB. Name names na. Hindi na uso ngayon ang baklang duwag. Lalp na ngat ang premise tha you are selling eh dam among minahal ka rin, di ba? Kung minahal ka, why aren’t you proud of that someone that you used to love?

Hay naku, dahil diyan. Stop na ito, BB. Maghunos dili ka na sa pantasya mo not unless gusto mong maging comeback mo ay Tasya Pantasya kuno. Ang savage. Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.