Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia mas nag-iinit kay Yam

0 765

NI: ARCHIE LIAO

Nag-aalab ang mga eksena ng romansahan nina Yam Concepcion at Gerald Anderson sa upcoming teleseryeng “Init sa Magdamag.”

Sey ng mga netizen, bukod sa nakadadarang ang kanilang lampungan, perfect na pasabog ito ngayong summer.

May mga netizen namang nagbabala noon kay Yam na mag-ingat ito sa kamandag ng kanyang matulis na leading man.

Sa kasagsagan ng promo ng nasabing teleserye, heto naman si Julia Barretto na umaarangkada at mega display ng kanyang alindog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naghuhumiyaw ang kanyang kaseksihan sa beach photo niya na pinagpipiyestahan sa kanyang Instagram.

May caption itong :”Dreaming.”

Hirit ng mga netizen, kahit hindi raw belong sa cast ng serye ng nobyo, ayaw raw pakabog ni Julia kay Yam.

Hamak daw na mas nag-iinit pa ito kay Yam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.