Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia may oras sa aso kesa sa erpat

0 123

Hanggang ngayon, pinag-uusapan pa rin sa apat na sulok ng showbiz ang umano’y pandededma ni Julia Barretto sa amang si Dennis Padilla noong Father’s Day.

Nabuhay kasi muli ang espekulasyon na may feud pa rin ang mag-ama nang mag-emote si Dennis sa kanyang Instagram account na nakalimutan siyang batiin nina Julia,Claudia at Leon,mga anak niya kay Marjorie Barretto.

Dahil dito, nalalagay muli sa bad light si Julia sa pang-iisnab umano sa ama.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May mga nagpapalagay pang hindi pa rin nagkakapatawaran ang mag-ama.

May mga nang-iintriga namang nagsasabing baka raw pinagkaisahan ng magkakapatid si Dennis.

Hindi rin pinalampas ng bashers ang aktres dahil pinili pa nitong pahalagahan umano ang boyfie at pet dog ng nobyong si Gerald Anderson na binati niya ng“Happy PAWther’s day @andersongeraldjr.”sa kanyang IG.Ayon naman vlog ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz, kinuha niya ang panig ni Marjorie tungkol sa emote ni Dennis ukol dito.

Ani Marjorie, maglalabas daw siya ng kaukulang pahayag sa darating na hinaharap.

Abangers naman ang mga Mosang kung anong Hiroshima bomb ang pasasabugin ng kampo ng aktres sa komedyante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.