Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia minaliit ang boobs ni Alex

0 87

NI: ATCHIE LIAO

First time makipag-collaborate ni Alex Gonzaga kay Julia Barretto sa episode na “1K Ukay Challenge.”

Napagkasunduan nila na sumailalim sa ukay challenge na mamimili sila ng outfits para damitan ang isa’t-isa .Ang halaga na gagastusin ay hindi lalagpas sa isang libong piso.

Sa isang bahagi ng video, habang pumipili si Alex ng mga damit na bagay kay Julia, nabanggit nito ang tungkol kay Bea na ikinagulat ng huli.

“Naalala namin yung nag-shampoo shampoo commercial ka di ba? Tsaka nakita ko, suot ito ni Bea…” ani Alex.

Bumawi naman si Alex at sinabing ang tinutukoy niya’y si Bea Binene ng GMA-7.

May kibitzers namang nagsasabing si Bea Alonzo talaga ang tinutumbok ni Alex dahil sa pagkaalala nila ay walang pangmalakihang shampoo commercial si Bea Binene.

Sa naturang vlog din, nagsukat ang dalawa ng bra sa nabanggit na ukay-ukay.

Sey ni Julia, mas may laman daw ang bobey niya kay Alex dahil naka-push up bra siya.

Depensa naman ni Alex, small but terrible daw naman ang kanyang dibdib.

Pagbibiro pa niya, nang magpatanggal daw siya ng hangin sa likod noon sa unahan napunta ang lamig kaya ganoon ang resulta.

Hirit pa niya, ang push up bra raw na suot ni Julia ay mistulang apat na mamon ang laman.

Ibinili rin ni Julia ng nightie si Alex na aniya’y pampa-elya sa mister nitong si Mikee Morada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.