Abante Tonite Interactive

Julia Montes nagtatago?

2,213

tonite-this-is-it-roldan-castroNaaliw kami sa bagong post ng talent manager-actor-radio anchor na si Ogie Diaz. Ito’y ang MAMA OGS SAYS…

“Mama Ogs, ba’t di pa nagpapakita si Julia Montes?”

—Hayaan nyo muna siyang namnamin ang pagiging ina.

“Ah, so confirmed talaga?”

—Hintayin natin si Julia. In time, magsasalita din yon. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.

“Isa’t isa? Sino yung isa?”

—Gagah, ‘yung anak niya, hayaan nyo munang i-enjoy nila ang isa’t isa.
“Ikaw, Mama Ogs, nung malaman mong magiging tatay ka na sa panganay mo, anong naramdaman mo?”

—Nanay na ‘ko. Charot! Seriously, sobrang di ako makapaniwala. At the same time, sobra akong excited! Para akong nanalo sa lotto.

“Di ba, dapat mag-a-adopt ka noon?”

—Oo, gusto ko ko sana nung una, eh ayaw ng nanay ko. Katwiran niya, andami ko raw pamangkin, sila na lang ang ampunin ko. Kaya naghintay na lang ako ng babaing mai-in love sa akin. Ayun, lima na anak namin.

“So nung malaman ng madir mo na magkakaanak ka na?”

—Gagah, hindi ako. Yung misis ko.

“Oo nga. I mean nung malaman ng madir mo na magiging tatay ka na?”

—Eh di magiging lola na siya. Charot! Seriously, sabi ng nanay ko, “Ginawa mo yan, dapat panindigan mo. Yan ang isang katangian meron dapat ang isang ama.”

“Masarap bang maging tatay?”

—Oo naman. Lalo na kung financially and emotionally stable ka. At mature ka na dapat. A baby is always a blessing!

“Mama Ogs, ba’t parang napabayaan na ni John Lloyd Cruz ang sarili niya? Sinadya niya ba yon para hindi siya makilala?”

—Kita mo naman yan ha? Hanggang ngayon, kilala pa din siya ng mga tao kahit nag-iba na ang itsura niya. Eh hayaan na natin. Nasanay lang tayong makita si Lloydi noon na walang balbas, malinis ang mukha. Eh malay naman natin kung happy siya sa itsura niya ngayon, di ba? Ang importante, wala siyang tinatapakang ibang tao at happy siya sa kanyang private life. Naka-move on na si JLC, kaya bigay na natin sa kanya yung true happiness niya.

“Eh, nasaan na ba ngayon si Xander Ford, Mama Ogs?”

—Ano ‘to? After John Lloyd, Xander Ford na agad?

“O, ba’t ganyan ka ke Xander Ford, Mama Ogs? Ke John Lloyd, ang swabe mo?”
—O, siya. Hindi ko alam kung nasaan na yang batang yan ngayon. Baka bumalik na sa dati.

“Ang alin? Yung anyo?”

—Gagah, kung maka-anyo ka naman, halimaw lang ang dating ni Xander? I mean, baka bumalik na sa kanila. Du’n naman sa mukha, hindi ko alam kung ano na ang latest. Kung ganun pa din itsura niya o hindi na niya na-maintain.

“Eh, di ba, yung dating management niya, binawi na yung name niya and the search is on para sa bagong Xander Ford?”

—Nabasa ko nga. Pero sana nilinaw ng ma­nagement. Kung ganun din ba ang proseso ng pagpili? Kailangan, originally chakaru ang fez, maraming pimples, pangit ang ngipin, pangit ugali, tapos paguguwapuhin ng Siyensya at patuturuan ng GMRC?

“Mama Ogs, parang sinabi mo na ring…?”

—Wala akong sinasabi. Tinatanong ko nga ang criteria for judging.

“So dapat ba pag me na-discover sila, yun pa rin dapat ang name, Xander Ford?”

—Suggestion ko lang, wag na. Create a new screen name.
“Like?”

—Xander Ford 2.

“Eh, ganun din yun, Mama Ogs, eh! Eh, kung i-retain na lang kaya ang name, palitan lang ang last name?”

—Keri lang naman. Pwedeng Xander Wear, Xander Desaya, Xander Boy, Xander Deteybol, Xander Arres.

“Siraulo ka, Mama Ogs! Hahaha! Eh, paano kung sa yo lumapit si Xander Ford?”

—Magpakilala lang siya, ha? Kasi baka hindi ko na naman siya mamukhaan.
***

Pagtatagpo nina
Jennylyn-Gabby No. 1 trending

Hindi binigo ng pinakabagong romcom series ng GMA-7 na “Love You Two” na maghatid ng good vibes sa Kapuso viewers matapos ang world premiere nito noong Lunes. Trending topic ito online at talagang tinutukan ang pagsisimula ng serye nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion. No. 1 top trending topic nationwide nu’ng Martes ang hashtag na #LYTRaffyMeetsJake.

Anyway, pilot episode pa lang, bentang-benta na ito sa netizens lalo na ang mga eksena ni Jen bilang si Raffy.

Ayon kay @PinoyTr1013, “First few scenes pa lang Jennylyn Mercado is really the Queen of RomCom#LoveYouTwo.”

Pinuri naman ni @1995xejgn ang husay ni Jen pagdating sa romcom, “very very light lang and natural itong atake ng #LoveYouTwo. Queen Jennylyn Mercado is really the ROMCOM Queen. Revelation si Clint! Ang husay ni Shai­ra Diaz! Thank you again for this @gmadrama @gmanetwork @mercadojen @Shairadiaz_.”

Ang bagong atake ng serye na pang-pelikula pati ang cinematography nito ang pinuri ni @SaludarCheri, “Ganda ng cinematography.. Pang movie ang peg.. Congrats @gmanetwork @ArtistCenter @GMADrama and most especially @Shairadiaz_ Bagong bago ka palang sa network but you always nailed it. Thanks @MercadoJen for taking care of our millennial queen. Ayiiie..#LoveYouTwo.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad