Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia na-miss ang aso kesa sa erpat

0 281

Dahil nga naka-lock-in taping si Julia Barretto, idinaan na lang niya sa social media ang pagka-miss sa boyfriend na si Gerald Anderson.

Nag-post si Julia ng larawan ni Gerald sa kanyang Instagram kung saan ay kasama ng aktor ang fur baby nila na si Amari.

Sa caption ay nilagyan lang ito ni Julia ng one word na “missing. . .” with emojis and for sure, sapat na ito para kiligin nang bongga ang JuRald fans.

Kasalukuyan kasing nasa Subic, Zambalez para sa kanyang serye sa TV5 na Di Na Muli and in fact, one time ay dinalaw pa siya roon ni Gerald. Naka-up sa YouTube vlog ng aktor ang video ng pagdalaw niya sa lock-in-taping ng girlfriend.

Anyway, kinabukasan ay binura rin ni Julia ang naturang post na hindi malaman kung bakit. May mga netizen din kasi na nagkomento na mabuti pa raw ang alagang aso at si Gerald, nami-miss ng aktres samantalang ang ama nilang si Dennis Padilla na humihingi ng oras para makasama silang magkakapatid ay hindi nila mapagbigyan.

@@@

Tulfo na-stress kay Gonzaga

Hangang-hanga si Raffy Tulfo sa husay ni Toni Gonzaga na mag-prank na pati boses ay iniba nito para lang mapaniwala ang tiyuhin.

Sa prank na isinagawa nina Raffy at Toni sa programa ng batikang broadcaster, makikita naman talagang naimbiyerna ang uncle Jojo nito.

SM food to go Banner Ad

Nagpanggap na kapitbahay si Toni at tinalakan niya nang bonggang bongga ang tiyuhin niya sa telepono.

“Kayo talaga lagi ko kayong nakikitang gumagala-gala diyan ah! Kami itong laging nagsusumbong na sa barangay at lagi kayong alis nang alis diyan!” the actress said as Tulfo tried his best not to laugh.

“Bakit ba kayo umaalis eh ECQ (enhanced community quarantine) nga ulit? Pangalawang lockdown na ah, pagala-gala pa kayo ah!” dire-diretsong talak ni Toni sa kanyang uncle na hindi siya nabosesan at akala’y kapitbahay siya talaga.

Ibinaba ni Uncle Jojo ang telepono at dito na napabunghalit ng tawa si Raffy na kanina pa pinipigil matawa.

Ayon kay Raffy, napakagaling daw ni Toni at pati siya ay na-stress sa boses nito.

“Sa totoo lang mga kapatid, pati ako na-stress sa boses niya. Siya ‘yung tipong kapitbahay na ayokong makasagupa. Marinig ko pa lang ‘yung boses niya, itataas ko na ‘yung dalawang kamay ko, pati paa pa,”

“Ang galing niya, ‘yung pagtalak niya… Parang pinagsamang machine gun, armalite, bazooka, lahat-lahat na andoon na,” sey ni Raffy.

Kahit daw ang kapatid na si Alex Gonzaga na napakahusay ding mang-prank ay walang binatbat kay Toni.

“Walang sinabi si Alex Gonzaga. Ito na. Kapag meron akong kaaway, puwede itong pambato,” sabi pa ni Raffy.

Leave A Reply

Your email address will not be published.