Abante Tonite Interactive

Julia nagtatago sa Germany

By
1 185

Muli na namang nawala sa spotlight ang aktres na si Julia Montes. Kumalat tuloy ang espekulasyon na baka buntis ito dahil muli na namang bumalik sa ibang bansa para magtago.
Wala kasi siya sa special scree­ning ng advocacy film niya at sa ABS-CBN Christmas special.
Pero pinabulaanan naman ang isyu ng kampo ni Julia.
Balitang nasa Germany umano talaga ang aktres para makasama ang ama nito. Nilinaw rin  ng kaniyang manager na si Erickson Raymundo na hindi umano nagdadalang-tao ang aktres.
Hinala naman ng mga netizen na baka bumalik siya sa Germany para doon mismo magmove on. Mukha kasing not in good terms sila ng napapabalitang  dyowa niya na si Coco Martin.Kamakailan kasi ay nag-unfollow-han ang dalawa sa Instagram.