Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia ‘nakuryente’ kay Coco

0 62

Sobrang naaliw kami sa vlog ng asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee kung saan ay guest niya ang kaibigan nila na si Julia Montes. May mga katanungan silang inihanda sa isa’t isa at may lie detector test pa to determine kung nagsasabi sila ng totoo.

Ang ganda ng mga tanong ni Papa Boyet kay Julia dahil papasok talaga sa isip mo si Coco Martin na matagal nang rumored boyfriend ng aktres.

First question ni Boyet ay kung lalaking naka-sando raw ba or naka-leather jacket na obviously, ang preferred guy ni Julia ang ibig sabihin. Natatawa ang asawa ni Dimples habang tinatanong ito, so, you could sense something talaga.

“Leather jacket,” sagot ni Julia.

Of course, alam naman nating laging naka-leather jacket si Coco.

Ang nakakaloka, nakuryente ang aktres kaya tawanan sila. Sambit ni Julia, “yari ako! (kay Coco?)” at napahalakhak nang malakas si Boyet sabay-sabing “parang mas yari ako.”

Sabi ni Dimples, “baka naman nagsa-sando sa ilalim ng leather jacket.”

Sa totoo lang, makahulugan ang kanilang tawanan.

Next question ay kung mestizo o moreno at humalakhak na naman si Julia.

“Moreno,” natatawa niyang sagot na tumutugma na naman kay Coco. Ang kaso, nakuryente na naman siya.

Ipinaalala tuloy ni Papa Boyet na laruan lang daw ang lie detector test at hindi talaga reliable.

Sunod na tanong, matangkad o sakto lang. Syempre, ang huli ang sagot ni Julia na again, tugma kay Coco.

Nakuryente na naman si Julia kaya napa-oh my God na si Boyet. Sabi naman ni Julia, “bakit ganu’n?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsalita si Dimples ng “challenge ‘yun, mommy!” na hindi nakaligtas sa mga viewers at pinuna sa comments section.

Next na tanong ay kung Inglisero o makata. Ang huli ang kanyang pinili na again, akma pa rin sa bida ng FPJ’s Ang Probinsyano. Nakuryente pa rin ang aktres.

Ang last question ay give-away talaga dahil pinapili siya kung Manila boy o probinsyano. Of course, ang huli pa rin ang sagot ni Julia at nakuryente na naman siya.

Ang ending, gusto nilang basagin ang lie detector test, hahaha!

Sa comment section ay ang daming nagkomento na confirmed na raw talaga na for real ang CocoJuls.

Bimby pabor magkadyowa si Kris

Payag na payag naman pala si Bimby Aquino Yap sakaling magkakaroon ng bagong pag-ibig ang mommy niyang si Kris Aquino. Sinabi niya ito sa latest You Tuve vlog ni Erich Gonzalez who, as we all know ay dear friend nilang mag-ina.

Dumalo si Erich sa birthday salubong for Kris na siyang materyales ng kanyang vlog. Sinorpresa nila ang birthday celebrant sa bahay nito .Si Bimby ang nag-welcome sa aktres since natutulog na ang kanyang mommy at hindi alam ang asalto.

Nakakatuwa dahil sa tagal nilang hindi nagkita, kinarga ni Bimby si Erich .Kitang-kita na na-miss talaga nila ang isa’t isa.

Nagtsikahan muna sina Bimby and Erich at tinanong ng aktres ang binatilyo kung ano ang birthday wish nito for his mama.

“For her to be happy in everything,” sey ni Bimby.

Tanong ni Erich, “how about love life? Pwede love life?”

“Okay lang. If it makes her happy, then I’ll be happy, di ba? Simple lang ang buhay, just be happy for the person who is happy,” sagot ni Bimby.

Makikita rin sa video na talagang tulog si Kris at ginising nila para i-asalto. Na-touch naman si Tetay sa effort ni Erich na talagang pumunta pa sa bahay nila ng dis-oras ng gabi para salubungin ang kanyang kaarawan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.