Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia nasarapan sa wasak na puso

0 76

In fairness, magagaling sumagot ang cast ng Di Na Muli teleserye na sina Marco Gumabao, Marco Gallo and Julia Barretto. Sa virtual mediacon na ginanap last Tuesday ay natanong ang tatlo kung ano ang maipapayo nila sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa love life. Ang ganda ng kanilang sagot at halatang mga in-love lahat.

“Don’t lose hope,” ang simula ng sagot ni Julia. “Lahat naman tayo pinagdaanan natin ‘yan. Actually, hindi naman sa pag-ibig, eh. Maraming bagay sa buhay minsan, parang ayoko na, huwag na lang, nakakawalang-gana, nakaka-discourage. Pero huwag kang magpatalo.”

Dagdag pa niya, “kasi ang sarap magmahal, eh. Ang sarap mabuhay, ang sarap magtagumpay, ang sarap mag-move forward, ang sarap mag-move-on, ang sarap magkaroon ng bagong experience ng pagmamahal na magugulat ka na lang din na ‘ay may ganito pala. Ay, ‘eto pala ‘yung para sa akin. Ay, buti na lang pala ganu’n ‘yung nangyari.’”

Nagbiro rin ang aktres na masarap ding maging broken-hearted.

“Ang sarap kayang mawasak ang puso, joke lang!” sey niya sabay-tawa. Pero paliwanag niya, dahil dito raw ay tumitibay ang isang tao.

“Masarap siya kasi alam mong tumitibay ka, eh. Parang pang na-overcome mo siya, parang ‘ay, na-overcome ko ‘yun.’ Kaya ang sarap ng pain na ‘yun kasi alam mo, sooner or later, mao-overcome mo siya, eh,” sey ni Julia.

Para naman kay Gumabao, naniniwala raw siya na lahat ng tao ay may katapat when it comes to love.

“Someone is destined for us. Maaring hindi pa natin nakikilala, maaaring nakilala na natin dati pero hindi natin ino-open-up ‘yung idea na what if i-try n’yong dalawa,” sey ni Gumabao.

Inayunan din niya ang sinabi ni Julia na masarap magmahal.

“Masarap ma-in-love, ang sarap magmahal especially if you have so much love to give, ang sarap ibigay sa taong tama especially if you know that you are valued by that person na he/she reciprocates the love na binibigay mo sa kanya,” he said.

Sey naman ni Gallo, kahit anon’g attempt daw natin na sukuan ang pag-ibig ay kusa raw tayong hahanapin nito.

“No matter how much you try to give up on love, it will always find you in the most unexpected moment of your life. No matter (how much) you say ‘no, hindi na talaga,’ it will just get you when you don’t expect it,” sabi ni Gallo.

First time nagkasama-sama ng tatlo sa Di Na Muli na kasalukuyang napapanood sa TV5 every Saturday, and so far ay maganda ang feedback sa nasabing teleserye. Mapapanood na rin ang serye sa Vivamax simula sa Oct. 22.


Baron pinagdasal ang gay role

Aminado si Baron Geisler na noong unang i-offer sa kanya ang gay role sa pelikulang Barumbading ng Viva Films, nagkaroon daw ito ng conflict sa kanyang faith kaya talagang hiningi niya ang guidance ni Lord.

“I really asked a question, I prayed to God, parang ‘why should I do this gay film again? Is it promoting gay pride?’” sabi ni Baron sa virtual mediacon kahapon.

“But eventually, when I looked into the script and I looked further down deep into this concept, I said, maybe, people will come to realize that it’s just not gay film, it’s about people na hindi dapat pumayag na tapakan – mapa-lalaki, mapa-babae, mapa-kung anon’g gender. Basta alam mong mayroon kang integridad sa buhay, mayroon kang tamang goal, then, huwag tayong pumayag na tapakan tayo ng tao,” dagdag niya.

Actually, kakaiba ang Barumbadings dahil first time nating mapapanood in a gay role ang mga bidang sina Jeric Raval, Mark Anthony Fernandez and Joel Torre. Second time naman ito ni Baron dahil napapanood din siya ngayon sa Di Na Muli bilang bading.

Mula sa direksyon ni Darryl Yap, mapapanood ang Barumbadings sa Vivamax simula sa Nov. 5.


Torres naudlot ang date

Ready na palang makipag-date muli si Andrea Torres matapos ang hiwalayan kay Derek Ramsay. Sinabi niya ito sa panayam sa 24 Oras at aniya, nagsisimula na nga raw lumabas-labas pero naudlot ito because of the pandemic.

“Bago mag-ECQ, lumalabas-labas na rin ako, open na ako to meet other people. Pero ‘yun, nun’g nag-lockdown ulit, nag-stop muna. Syempre, safety first,” sey ni Andrea.

At para sa aktres, kailangang magpatawad ang isang tao bago makapag-move-on.

“’Di kailangan sabihin ng tao na ‘sorry’ para patawarin mo siya. Parang nanggagaling ’yon sa heart. Dapat choice mo na i-let go,” she said.

Matatandaang nag-break sina Andrea at Derek last year pagkatapos ng isang taong relasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.