Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia paasa kay Joshua

0 521

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging pahayag umano ni Julia Barretto sa King of Talk na si Boy Abunda kaugnay ng close friendship nila ni Joshua Garcia.

Ayon mismo kay Tito Boy, sinabi raw sa kanya ng aktres na pinayuhan nito ang ex at dating love team partner na huwag munang magkakaroon ng girlfriend.

Sobra raw kasing passionate si Joshua sa kanyang craft kaya gusto raw nito itong magtagumpay pa.

Sey naman ng ilang bitchy observers, para raw namang selfish si Julia na pagsabihan si Joshua na huwag munang magka-love life samantalang siya ay umaarya na sa piling ng boyfie na si Gerald Anderson.

Hirit naman ng ilang gustong mag-arko ng kilay, hindi raw kaya hindi rin sigurado si Julia kung hanggang saan ang relasyon niya kay Gerald, given the pabling image nito.

Hindi raw kaya gusto lang magpaasa ang aktres sa ex na puwede niyang balikan at tatanggapin siya with open arms once na hindi mag-work ang kanilang relasyon ni Gerald.

Sa ngayon, kuntento na muna si Joshua sa lambing at hug ng kanyang bagong love na golden retriever puppy na si Marley.

Neil mas atat sa kasal kay Angel

Sa panayam ni Bianca Gonzales kay Angel Locsin tungkol sa kanyang kasal sa kanyang fiancé na si Neil Arce, sinabi ng aktres na gusto lang niyang maging simple at solemn ito.

Para kasi sa aktres, ang wedding ay isa lamang seremonya at mas importante ang intensyon ng mga taong nagpapakasal.

Sinabi rin niya na wala umano siyang dream wedding dahil lumaki siya sa isang komunidad na payak lamang na idinadaos ang mga kasalan.

“Wala akong dream wedding. Lumaki kasi ako sa community na ang gown nirerentahan lang, hindi ka nagpapatahi walang designer, walang stylist. Para sa akin isa lang mabilisang event. Iyon ang nakikita ko nu’ng bata ako,” ani Angel.

Ibinahagi rin niyang mas abala pa sa preparasyon sa kanilang wedding ang fiancé na si Neil Arce kesa sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.