Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia ‘pinagdamot’ si Coco

0 116

Inamin ni Julia Montes ang tungkol sa tunay na estado ng kanyang puso.

Aniya, kumpara raw noon ay open na siyang pag-usapan ang ilang aspeto ng kanyang love life.

Aminado naman siyang inspired ngayon at malaki raw ang nagawa ng kanyang inspirasyon para mabago ang pananaw niya sa buhay.

Hindi naman niya diretsahang tinukoy kung sino ang nagpapasaya sa kanya, pero obvious namang ito ay walang iba kundi ang Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.

“Mas naging expressive ako. Mas expressive ako sa mga bagay na emotions, especially when it comes to the aspect of love–’yung, ‘I miss you,’ ‘I love you,’ ‘yung hindi na ako nahihiya to take care of somebody. Dati kasi meron pang, ‘Baka isipin naman masyado akong ano.’ Or sa family ko, minsan–dahil nakalakihan namin na hindi kami sweet, ngayon mas sweet ako dahil sa love. So, ang laki ng difference,” sambit ni Julia sa panayam ni G3 San Diego sa Mega Magazine.

Sa tanong naman kung bakit nananatiling pribado pa rin ang identity ng kanyang love, ito ang naging tugon niya.

“Siguro kasi sa buong buhay ko, hindi ako selfish. This time, gusto ko ‘yung akin, akin. So, ayoko lang i-share for the sake of, pa-mysterious lang,” paliwanag niya. “This time, gusto ko, no pressure from other people. Growing up, ang dami ng pressure. Pero ‘yung lumaki ka sa children’s show na parang siyempre lumalaki kaming may mga pressures, gusto ko sa aspeto ng buhay ko na ‘to, walang pressure. ‘Yung taong involved, ako, ‘yun lang ‘yung… ‘yun lang ‘yung importante, ‘yun lang ‘yung–’yun lang ‘yung nagma-matter. Walang opinions ng ibang tao kasi hindi naman natin lahat mapi-please. And that’s my point of view na parang ‘wag na natin stress-in ‘yung sarili natin sa labas. Ito ‘yung atin so let’s just be happy and enjoy,” dugtong niya.

Nilinaw rin niya na walang pumipigil sa kanya para i-divulge kung sino ang lalakeng nagpapaligaya sa kanya ngayon.

“It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami ‘pag ano kasing nandiyan, sisirain. ‘Pag hindi kayo, ‘pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. ‘Pag kayo, pagsisirain kayo. So, might as well, “O, anong alam niyo?’ Okay, kung anong alam niyo, okay po. ‘Yun na lang,” esplika niya.

Balik tambalan ang CocoJuls sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Luis nawindang sa regalo ni Nikki

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Luis Manzano ang isang video clip tungkol sa unboxing ng “housewarming gift”. Ipinadala ito sa kanila ng mag-asawang Nikki Gil at BJ Albert.

Noong dalaga pa si Nikki, nakasama kasi siya ni Luis bilang VJ sa isang Pinoy music channel na Myx.

Sa naturang video, excited na binuksan ni Luis ang laman ng nasabing regalo.

Na-appreciate pa ng kanyang misis na si Jessy Mendiola ang ganda ng pagkakabalot ng kahon nito.

“Grabe, ang ganda talaga ng ribbon. Ang sosyal. Tas ang ganda ng handwriting,” sey ni Jessy.

Nang nabuksan na nila ang gift, nawindang ang showbiz couple sa laman ng box: isang water dipper, isang box ng matchsticks, kandila, katol at isang roll ng gamit na tissue.

Ang pagkatuwa ni Luis ay biglang napalitan ng pagkadismaya kaya nakapagwika itong “Pambihira ka Nikki, ito regalo mo sa housewarming namin?”

Napahalagalpak na lang ng tawa ang kanyang wifey na si Jessy .Feeling nila ay na-gudtaym din sila ng singer-actress.

May mga nnanghuhula naman na bubuwelo si Luis para makaganti sa dati niyang katrabaho.

Leave A Reply

Your email address will not be published.