Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia, pinagdudahan ang emote

0 942

May emote sa Instagram na attributed kay Julia Barretto. Ang sabi niya: “During these trying times, I realized that it is high time to unite, help each other out and hold on to each other. Because, after all, what are blessings for if we don’t share them.”

Ang nasabing pahayag ay ginawa ni Barretto para maenganyo ang mga tao na magbigay tulong at support para sa Pantawid ng Pag-ibig project na dati ay talaga namang namamayapag.

Siyempre pa, alam naman nating lahat ng “kabutihan” at “tulong” ng the network that is close now eh walang naging bearing sa prangkisa hearing .

Ang tanong, bakit nga kaya pag si Julia ang may ganitong emote mas marami agad-agad ang umaarko ang mga kilay? Yung iba humihikab pa nga and looking the other way sa kanyang panawagan? May ilan na ang dating sa paglalambing ni Barretto is wanting of sincerity?

Kailangan nga kaya mapapatawad si Julia sa nakaraang intriga sa kanya na hanggang ngayon eh mas pinaniniwalaan?

Agustin, Stroem peke ang scandal photo

Fake ba o sa true lang. Ang mga baklang dalahira at pusali, ayaw paawat ang debatehan. Pinagtatalunan nila ang larawan nina Markki Stroem at Marvin Agustin.

Maiinit na naman ang mata ng mga sirena kay Stroem dahil sa mapangahas na BL dramang pinagbidahan nila ni Mike Liwag. Talaga namang go for gold ang man to man sexual congress eksena.

Ang team dalahira, ang konklusyo sa larawan kung saan nakahiga sina Agustin at Markki sa kama, peke ang larawan. Lumabas na raw ang tunay na picture sa isang social media site.

Nagdadabog naman ang bangs with matching pamemewang ang team pusali. At iyan ang totoo ang pananalig sa kuhang nasa kama ang dalawang lalaki. Hindi daw ito by the magic of photo shop at legit na legit ang kuha ayon iyan sa kanilang expert opinion.

Ang tanong, dapat bang pagtalunan pa kung peke o totoo ang larawan? May masama ba kung ang dalawang magkaibigang lalaki ay may kuha na sila ay magkatabi sa kama at maaring natulog? Kailangan ba may ibang dahilan kaya sila nasa kama? Dapat bang lagyang malisya ang pagiging malapit nina Markki at Marvin sa isa’t-isa?

Hindi ba puwedeng magkapatid ang kanilang turingan at pinagsamahan? Bakit kasi iba agad ang gustong paniwalaan at isipin? Saka, hindi na naman “bata” sina Agustin at Stroem and they know what is best bilang mga lalaki at magkaibigan.

Kaya huwag na pagdebatehan pa ang larawang iyan. Mas maraming bagay na mas maiging pagkaabalahan, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.