Abante Tonite Interactive

Julia pinatawad si Joshua

By
3,038

Tapos na ang uno­s sa relasyon nina Julia Barretto at Joshu­a Garcia. Ito mismo ang kinumpirma ng young actress sa kanyang Instagram post last Monday.

Nag-post si Julia ng super-sweet photo nila ni Joshua na magkasama at sa caption ay inilagay niya ang: “After a storm comes the calm.”

Labis namang ikinatuwa at ikinakilig ng JosLia fans ang post ni Julia and the confirmation na okay na nga ang kanilang mga iniidolo. Parang fiesta sa comments section at halos lahat ay nagbubunyi.

Matatandaang katatapos lang dumaan sa isang problema ng dalawa nang ma-involve si Joshua sa isang netizen. Ito rin ang masasabing bale unang pagsubok na dinaanan ng kanilang relasyon.

Sabi nga ng isang netizen, tiyak na marami pang darating na pagsubok sa kanilang relasyon at kailangan lang talaga ay ma­ging matatag sila.

Ian giniba ang concert ni LA Santos

ISANG malaking tagum­pay ang first major concert ni LA Santos na Petmalu na ginanap sa Music Museum last Monday night, April 30. Pinatunayan ng tinaguriang Pop Idol na may karapatan siyang maging total performer dahil hindi lang siya sa pagkanta nagpaki­tang gilas kungdi maging sa pagsasayaw, gayundin sa pagra-rap.

Napuno ni LA ang ve­nue at pinasaya niya ang kanyang mga supporter sa 2-hour show na inihandog niya kasama ang kanyang mga bigating guest.

Gustong-gusto namin ang duet number nila ni Jona na Almost is Never Enough dahil talaga namang hindi nagpakabog si LA sa biritan.

Big surprise rin ang paglabas ng kanyang sister na si Kanisha Santos na may talent din pala sa pagkanta at pwede ring pasukin ang music industry.

Pero ang isa sa bumuhay ng dugo ng audience ay ang guestin­g ni Ian Veneracion at ang duet nila ni LA na Two Less Lonely People in the World. Giniba niya ang Music Musem sa tilian ng crowd. Sa mga nabitin may concert si Ian ngayong May 13 entitled “Ian in 3 Acts”, na gaganapin sa Resorts World Manila.

Halatang masayang-masaya si LA lalo na ang producer na si Joed Serrano sa outcome ng show. Panay ang pasasalamat niya at the finale sa lahat ng mga nanood at sumuporta.

Congrats, LA!