Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia pumiyok na in love

0 245

Inamin ni Julia Barretto na in love siya ngayon sa panayam sa kanya ng isang magazine. Pero kung sino ang guy ay hindi na ibinunyag pa ng aktres dahil aniya ay traumatizing daw sa kanya ang nangyari sa last relationship niya na nakabukas sa publiko.

“I think nobody understands the kind of trauma of having a relationship so public, and then also have a lot of people see when your relationship fails.

“Like it’s so traumatizing for me because I genuinely cared about this guy, I genuinely loved this guy, and then I shared so much that when we broke up they thought they knew the whole story,” pahayag ni Julia sa nasabing panayam as quoted by push.com.

Dagdag pa ng aktres, “they thought they knew my pains, they thought they knew my joys, they thought they knew everything—all the reasons that caused the breakup. But nobody really does.”

Of course, alam naman ng lahat na ang tinutukoy niya ang ex-boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Kaya ngayon daw ay natutunan na niyang ikontrol ang pagse-share ng kanyang personal life.

“So one of the things I made myself confident in when it comes to my personal relationships is that, I’m in control. I am in total control of how much I am only willing to share and how much I am only allowing people to know. I’ve already come to realize how important it is to protect your peace and privacy—and that both go well together,” Julia was quoted to have said.

Angelica ‘di iiwan ni John

Kahapon ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Angelica Panganiban at napakaraming nakaalala sa kanya partikular na nga ang mga kaibigan niya sa showbiz.

Halos napuno ang Instagram Story ni Angelica sa pagrerepost niya ng greetings sa kanya kabilang na ang mga BFFs niyang sina John Prats, Bela Padilla, Kim Chiu, et al.

Punong-puno ng pagmamahal at suporta ang mensahe ng kanyang mga kaibigan lalo pa nga’t timing na nasa hot water ngayon si Angelica dahil sa mga bashings na nararanasan niya kaugnay ng post niya noong kasagsagan ng bagyong si Rolly.

Mensahe ni Prattie (tawag kay John) sa kanya, “happy birthday sa aking matalik na kaibigan. Mahal na mahal kita. Sa atin talaga walang iwanan! Magkalayo man at may kanya kanyang buhay alam natin na andito lang tayo para sa isat isa! Happy birthday Pets!”

Bahagi naman ng mahabang pagbati ni Kim, “happy birthday momsy angge! mahal kita alam mo yan!!! isa ka sa mga totoong tao na nakilala ko! Will forever treasure the Tears we shared and most especially the laughter we always have whenever we’re together!

“Salamat sa pagiging totoong kaibigan! Salamat sinasakyan mo lahat ng trip ko kayo ni momsy @bela Deserve mo yan! Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao,. kaibigan, kapatid, anak, pinsan, artista ng bayan, and many more. I love you moms!

“Mag gate crash ako sa bday mo! Kahit dimoko invite.., punta ako ha??? nasan kaba??!! Hahaha gawaing #angbeki yan!!!! love you momsy!!!!”

Post naman ni Bela, “first time, magkasama tayo ng saktong 12. Salamat at taon taon kang ngumingiti at nagpapangiti, wala nakong mawiwish sayo this yeeeeaaarrrr!!!! I looooove you, Angirlikaaaaa”

Leave A Reply

Your email address will not be published.