Abante Tonite Interactive

Julia puwede nang mag-asawa

1,464

Dahil naka-home quarantine ang mga taga-Metro Manila at Luzon ay kani-kanyang paraan ang lahat para magpalipas ng araw.

Maraming diskarte ang nagagawa ng mga netizen at kanila itong ibinabahagi sa social media.

Katulad na lamang ng mga celebrity na talaga namang super share sa socmed kung papaano nila pinapalipas ang kanilang araw.

Bukod sa pagsi-share ng mga panawagan para tulungan ang mga frontliners ay nagkapanahon si Julia Barretto sa pagluluto.

Isang menu o ang sausage aglio olio pasta ang ibinahagi niya sa kanyang IG .Patok ito sa mga netizen.

Marami ang humanga sa kakayahan ng aktres na magluto.

May isa rin ang nagkomentong pasado na itong mag-asawa.

@kezziahmaniago: napaka wife material mo na, hehe..

Wala namang binanggit kong sino ang nababagay na magiging mister nito. (JNL)

Tonite – Wendys Inhouse Ad