Abante Tonite Interactive

Julia sanay sa bugbugan kay Coco

By
2,829

MUKHANG balak na ni Coco Martin na gumawa uli ng pelikula. Pero iba ang concept niya sa ngayon dahil gusto niya ay simulan muna sa binubuo niyang game bago ito isalin sa pelikula.

Bukod kasi sa regular taping niya sa Ang Probinsyano, pinagkakaabalahan din ni Coco ang mag-conceptualize ng games. Ginagawa niya ngayon ang game ng La Luna Sangre, at excited siya rito, dahil hindi lang daw ito basta game lang kundi meron daw kuwento.

“Nakaka-challenge kasi hindi naman ito ang trabaho ko bilang artista eh. Pero sabi ko nga, nag-i-enjoy ako kasi sa pamamagitan ng laro bumubuo pa rin ako ng kuwento. Bumubuo pa rin ako ng bawat karakter,” sabi ni Coco.

At ganito nga ang konsepto niya sa pelikulang gagawin niya. Sa Ang Panday kasi, ‘yung movie muna ang nabuo niya bago ang game. Pero ngayon ay gagawin muna niya ang game at isasalin sa pelikula.

Samantala, inamin ni Coco na tinulungan niya si Julia Montes sa action scenes nito sa Asintado.

“Ako mismo ang tumawag sa kanya kasi nung nalaman ko na ang project niya na medyo action, siyempre ginabayan ko siya. Kasi hindi lang ganun kadali ang action. Masarap lang siya panoorin pero ang hirap niyang gawin,” sambit ni Coco.

Ang una raw na dapat i-consider ni Julia ay ang kaligtasan nito sa action scenes.