Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia sasabak na sa negosyo

0 39

NI: ARCHIE LIAO

Kamakailan lang ay nag-launch si Julia Barretto ng sarili niyang product line na inanunsyo niya sa kanyang vlog.

Ayon sa aktres, aware raw naman siya na ang karera sa showbiz ay hindi pangmatagalan kaya naman pumasok na rin siya sa pagnenegosyo.

Dagdag pa niya, matagal na raw niyang pinangarap na magkaroon ng sarili niyang product line at nagkaroon ito ng katuparan ngayong taon.

“For many years now, I’ve been really thinking about what kind of business I really wanna do, what kind of business will really best represent who I am, and the things I genuinely love and enjoy using and having.”aniya.

Ibinahagi rin niya ang kahalagahan ng pagiging masinop at tamang pagha-handle ng finances.

“Kailangan nanganganak yung pera mo, in short,” aniya.

Marami naman ang bumilib sa pagiging resourceful at enterprising ng Viva artist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.