Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia sinabihan si Gerald na magpakatotoo

0 2,028

Pagkatapos mag-guest ni Julia Barretto sa vlog ni Gerald Anderson, siya naman ang nag-imbita sa boyfriend na maging panauhin sa kanyang Just Julia channel.

Sumalang sa drink and spill challenge si Gerald sa episode nitong Never Have I Ever.

Sa bawat affirmative na answer, kailangang tumangga ng tequila ng aktor.

Sa unang tanong kung may nasabihan na raw ba siya ng “I love you” na hindi niya totoong nararamdaman, sinabi niyang wala.

Kahit daw kasi sa pagganap sa mga pelikula at teleserye, kapag in character siya, pini-feel daw niya ang pagsasabi nito.

Sa question naman kung nagawa na niyang mag-usyoso sa kausap ng kanyang partner, never daw niya itong ginawa.

Never din daw siyang nag-check sa messages ng kanyang partner sa cellphone dahil nirerespeto niya ang private space nito.

Never din daw siyang tumagal na hindi naliligo sa loob ng dalawang araw.

Never din daw niyang hinagkan ang isang taong hindi niya kilala maliban na lamang kung sila ang nag-kiss sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Sa dami naman ng never na sagot nito, feeling ni Julia ay nagpapaka-safe si Ge kaya pinayuhan niya ang boyfie na magpakatotoo.

Sa huling tanong naman kung nagawa na raw ba niyang magsinungaling para lamang ma-impress ang isang tao, hirit niya ay never daw.

Liza dumepensa sa pagsawsaw kay Angel

Pagkatapos makatikim ng kaliwa’t kanang pamba-bash sa mga netizen kaugnay ng komento niya na hindi dapat mag-sorry si Angel Locsin dahil sa naganap na trahedya sa kanyang kontrobersyal na paayuda sa community pantry nito, nagpaliwanag naman si Liza Soberano sa tunay na intensyon ng kanyang post.

Aniya, ang ibig daw niyang sabihin ay hindi raw dapat mag-sorry ang pilantropong aktres doon sa mga taong kinukwestiyon sa kanyang layuning makatulong.

“Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation. Of course it’s only right and natural for ate Angel to be sorry about the life that was lost,”aniya.

Hirit niya, hindi rin daw makatarungan para sa kanya na pagdudahan ang intensyon ni Angel o masisi ito dahil sa pagkamatay ng senior citizen na inatake habang nakapila.

Humingi rin siya ng paumanhin kung naka-offend man sa pamilya ng nasawi ang kanyang naging komento na sa totoo raw ay hindi laan para sa kanila.

‘It’s just unfair to me that her intentions were twisted and she’s being blamed for the death that she never intended to happen. Sorry if the family affected by this for offended by my comment but this was not for you but the people blaming her,”paliwanag niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.