Abante Tonite Interactive

Julia supportive dyowa kay Martin

1,195

Walang kapagod-pagod si Julia Montes sa pagpo-promote ng pelikulang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na official entry ni Coco Martin sa 45th Metro Manila Film Festival na magsisimula na ngayong Dec. 25.

Mistulang supportive girlfriend talaga si Julia ni Coco na talaga namang araw-araw pino-post sa kanyang Instagram account ang pelikula. Pa-countdown baga.

Kahapon ay ipinost naman niya ang larawan ni Coco as Paloma na kuha mula sa MMFF parade na ginanap kahapon.

Caption ni Julia, “Move over girls… PALOMA is here #tripoltrobolhulikabalbon this December 25 marami pang pasabog si Coco.”

Hindi active si Julia sa showbiz ngayon at maging sa socmed ay bihira siyang mag-post. Pero super-active siya ngayon sa pagpo-post para lang makapag-promote ng movie ni Coco.

You don’t do that sa isang best friend lang, di ba naman?

Regine humingi ng tawad sa anak ni Ogie

Nagkaiyakan sina Regine Velasquez and step-daughter na si Leila Alcasid sa latest YouTube vlog na inilabas ng Asia’s Songbird.

Habang nagme-make-up ang dalawa ay ang topic tungkol sa kanilang family set-up ang pinag-uusapan nila at dito na nga naungkat ang simula ng relasyon nina Ogie at Regine.

Leila opened up na hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap sa relasyon ni Regine at ng daddy niya at first to the point na ayaw niyang tumira noon sa Pilipinas.

Nag-open-up din naman si Regine at ipinagtapat na hindi rin daw talaga naging madali para sa kanila ni Ogie ang relasyon noong una at hindi niya ginustong saktan ang mga anak ng singer sa unang asawa.

“It was very, very difficult, I always say this whenever we have an interview, that we had a very difficult beginning because it was. It was very, very difficult for both of us,” sey ni Regine.

Alam din daw niya kung gaano ito kahirap sa mga anak ni Ogie pero aniya ay sobrang mahal na mahal niya ang mister. At kung bibigyan daw siya ng pagkakataon ng Diyos na piliin ang mga gusto niyang tanggalin sa kanyang buhay, ito raw ay ang part na nasaktan niya si Michelle Van Eimeren (first wife ni Ogie) at ang mga anak nito.

Buong puso raw niyang ullitin ang mga difficult times sa relasyon nila ni Ogie dahil mahal na mahal daw niya ito.

At dahil ayaw niya raw masaktan ang pamilya ni Ogie, maraming beses daw nila itong pinag-awayan ni Ogie at nag-break na rin daw sila before dahil nga hindi niya matanggap ang sitwasyon nila.

“Siya naman (Ogie), he didn’t also allow me to leave, kasi parang hindi rin niya kaya na hindi na ako, na hindi na magiging ako,” kwento ni Regine.

Hanggang finally ay magdesisyon na nga sina Ogie and Michelle na maghiwalay na.

Sa kuwento pa rin ni Regine, after the separation ay nag-usap sila ni Michelle at may isang bagay lang itong hiniling.

“She made me promise something. She said to me that ‘promise me that my children will always have their father.’ And I promised her, ‘yes,’” saad ni Regine.

Ngayon ay maayos na maayos na ang relasyon nila, magkasundong-magkasundo sina Regine at Michelle and puring-puri talaga ni Songbird ang kagandahan ng ugali ng unang asawa ni Ogie.

“Mabait din naman ako, pero hindi magiging ganito ang relationship namin kung hindi niya ginawa ‘yung part niya. Kung hindi rin siya naging forgiving, naging accepting,” sey ni Songbird.

Sa nasabing pag-uusap ay humingi rin ng tawad si Regine kay Leila for hurting them.