Abante Tonite Interactive

Julia tetano kay Bela?

827

Umani ng samu’t saring reaksyon ang naging paliwanag ni Bela Padilla kaugnay ng kanyang naging desisyon na i-unfollow ang kontrobersyal na si Julia Barretto sa Instagram.

“I unfollowed Julia last year, along with several other artists. I was doing an Instagram detox. From following 4,000 people, I’m down to 2,000 plus. I unfollowed several people, it wasn’t just Julia, even my classmates from high school. I just want to clarify, I didn’t unfollow Julia because I was taking sides,” paliwanag niya.

Gayunpaman, hindi kumbinsido ang netizens sa kanyang naging paliwanag.
Sey nila, gusto lang daw magpalusot ng aktres dahil tulad nina Angel Locsin at Angelica Panga-niban ay silent member din ito ng Team Bea.

Hirit nila, marahil daw ay sukang-suka na ito sa kanegahan ni Julia dahil sa dami ng puwede niyang i-single out ay ito pa ang napili niyang i-unfollow.

Mabigat din daw ang salitang detox na para animo’y tetano sa kanya ang young actress.
(Archie Liao)