Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia waiting umanin sina Bea, Dominic

0 149

NI:ARCHIE LIAO

Usap-usapan ang ginawang pag-like umano ni Julia Barretto sa fan page nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Naka-post kasi sa naturang fan page ang mapormang litrato ni Dominic na umano’y kinunan ni Bea.

May mga nagtataka rin kung bakit naligaw si Julia sa nasabing fan page.

Pang-iintriga ng mga nakapansin, nag-i-stalk daw ang Viva artist kay Bea dahil umano’y fishing at wishing ito na umamin na ang rumored sweethearts sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Kung aamin nga raw kasi ang dalawa sa kanilang love affair, puwede na raw siya to come out in the open to freely confess din ang tungkol sa kanilang pagmamabutihan ni Gerald Anderson.

Kung mangyayari raw ito, abswelto na si gurl dahil naunang nagpalit ng ex si Bea at makakawala na sa panghuhusga na siya ang naging third party sa hiwalayang Bea at Gerald.

Pagtatanggol naman ng ilan, pagpapakita lang daw ng suporta kay Dom ang ginawa ni Julia na for some time ay naging friend din niya.

Kung totoo nga raw na si Julia ito at hindi isang poser, baka pahiwatig na rin daw ito para makipag kiss and make up siya sa aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.