Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julia ‘windang’ sa starlet

0 128

Ninerbiyos ang mga panatiko at sumusuporta sa pretty young actress Julia Barretto sa kasalukuyan.

Bakit kaniyo? Pakiwari nila eh nakaamba na ang digital karmang inaantay ng lahat para sa dalagang dinurog ang puso at pagkababae ni Bea Alonzo.

Si Gigi de Lana nga ba ang nakatakdang mangwarat at mangwindang kay Julia?

Ang mahusay na mang-aawit na panalo ang cover song renditions at impressive ang number of views sa YT ang bagong leading lady ni Gerald Anderson . Ito ay sa romantic comedy seryeng “Hello Heart.”

May kiyeme latik na ngang payo si Anderson para kay Gigi. Naku naman, sa mga ganyang payo-payo nagsisimula ang lahat. Galawang Papa GeGe moves na ang mga ganyan di ba?

Maski itanong pa natin sa one time, big time niyang naging kapareha dati na si 3rd Pinay Ms. Universe, Queen Pia Wurtzbach. Hindi ba’t ang closeness nina Queen P at Anderson ang unang mitsa kaya naligalig ang relasyon nila dati ni this generation’s movie queen at ngayon ay Kapuso major star Bea Alonzo?

Ano nga kaya kung maging mapaglaro sina Kupido at Aphrodite, ang diyosa ng pagmamahal? Palundagin nila in a major, major way ang puso ni Gerald para sa kahalina-halinang Gigi?

Ay, sasambulat rin kaya ni Barretto ang “Enough” at kayanin niya kaya ang mga eksenang minsan ay pinagdaanan ni Alonzo dahil kay Mr. Anderson?

GeGi agad-agad at good riddance na JuRald?

Kylie swapang ang keps

LOL para sa diva that you love ang linyang binitawan ni Cindy Miranda kay Kylie Versoza sa isang coming soon o mas tama bang cumming soon na pelikula?

Ang drama sa confrontation scene, tinatanong ni Miranda kay Versoza kung mahal niya ba ang katauhan nina Marco Gumabao at Adrian Alandy. Affirmative ang sagot ni Kylie bilang Alice at ang talak ni Cindy sa kanya na talaga namang may windang factoc ay: “Puke mo swapang!” tapos walk-out ito sa frame.

Di ba la elaganza at super glamorosa si Cindy sa eksena tapos ang mga lumalabas sa mga linya sa bunganga niya, ang mga colegiala sa all girls private school tiyak mamula kapag narinig.

Ang isa pang nakakatulig na linya ay mula kay Gumabao na matapos malamang may manggahan ang kalaguyo ni Versoza ang kuda nito ay: “Kaya nakuha ka sa manga. Kaya nagpatira ka agad!”

On my gosh! For all of Marco’s kasosyalan, he says the line with so much aplomb! Huwag niyo na lang itanong sa diva that you love kung nagagalingan ako sa kanyang pag-arte. Wag na i-push! Hahahaha!

Ngayon, dahil walang takot ang linya ni Cindy at walang pag-iimbot at buong katapatan niya itong sinambit, siguradong ang “Puke mo swapang” ay mapapasama sa mga unforgettable movie lines sa Philippine cinema.

Naku, hindi kaya ito na ang bumura sa “you’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat” kasi nga mas brutal at totoong-totoo, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.