Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julian Ongpin didikdikin sa mga bagong ebidensiya

0 118

Maghahain umano ng mga bagong ebidensya ang mga state prosecutor laban kay Julian Ongpin sa susunod na lingo matapos ibasura ng La Union Regional Trial Court (RTC) ang motion for reconsideration sa kaso nitong may kinalaman sa ilegal na droga.

Base sa text message kahapon ni Prosecutor General Benedicto Malcontento sa mga reporter, inutos umano ni San Fernando, La Union RT Branch 27 Judge Romeo Agacita Jr. na magsagawa ng video hearing para sa paghahain ng mga ebidensiya.

“A presentation of evidence on the motion (is) set on December 7,” ani Malcontento.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang binasura ng korte ang kasong criminal na isinampa laban kay Ongpin dahil sa kakulangan umano ng probable cause para mag-isyu ng arrest warrant laban dito matapos na makakita ang mga awtoridad ng mahigit 12 gramo ng cocaine sa tinuluyan nilang kuwarto ng nasawing si Bree Jonson sa isang resort sa La Union noong Setyembre 18.

Ayon sa korte, hindi sinunod ng mga pulis na umaresto kay Ongpin ang mga probisyon ng Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay sa chain of custody para sa mga nasamsam na iligal na droga.

Inutos din ni Agacita na bawiin ang precautionary hold departure order laban kay Ongpin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.