Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julie Anne aminadong masaya ang puso: ‘Kilala niyo naman siguro ‘yun’

0 44

Pasabog ang bikini photo ni Julie Anne San Jose sa Boracay na makikita sa kanyang Instagram account.

Suportado ito ng pamilya Cruz dahil makikita ang komento nina Rodjun, Geneva,Dianne Medina. May fire emoji naman na galing kay Rayver Cruz na nali-link sa kanya ngayon.

Positibo ang feedback sa pagbi-bikini niya.

“Nakakataba ng puso. Masaya naman po talaga ‘yung vibes sa Bora,” sambit niya.

Samantala, sa launching-presscon ng bago niyang endorsement na Aqua Skin ay tinanong kung kumusta ang estado ng puso niya ngayon.

Buong ningning niyang sagot na very happy.

Sinundot ito ng tanong kung sino ang nagpapasaya sa kanyang lovelife?

“Kilala niyo naman siguro ‘yun,” bitin niyang pakli.

Anyway, kakaiba ang awra ngayon ni Julie. Bagay na bagay siya na brand ambassador ng Aqua Skin na gawa Japan.

Sino ba ang mga mga hinahangaan niyang 3 celebs pagdating sa beauty and wellness.

Tugon niya ay sina Heart Evangelista, Iya Villania at Anne Curtis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.