Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julie Anne, David walang chemistry

0 744

ROMMEL PLACENTE:Kahit mahigit limang taon na sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano, na bida si Coco Martin, ay hataw pa rin ito sa rating mga ka-Cuatros di ba? Ibig sabihin pinapanood pa rin ito ng tao,hindi nagsasawa sa nasabing serye. Kahit nga mga pamangkin ko,kapag sumasapit na ang 8pm ay tutok na sila sa nasabing serye ng Kapamilya network. Gustong-gusto pa rin nila ang istorya nito,lalo na ang mga action scenes ni Coco.

Pero sa totoo,marami na rin ang nanonood ng ‘My First Yaya’ na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Aba,nakikipaglaban ito sa rating ng serye ni Coco huh?Ito lang ang serye ng GMA na itinapat sa FPJ’s Ang Probinsiyano na consistent talagang mataas ang rating. Cute naman kasi ang istorya nito,na ang isang presidente ng bansa ay magkakagusto sa isang yaya.At kuwela rito si Sanya.Tama lang na siya ang napili ng Kapuso network na pumalit kay Marian Rivera.

MILDRED A. BACUD: To be honest mga ka-Cuatros, malaki na rin ang epekto ng viewership o rating ng mga seryeng nabanggit niyo sa telebisyon. Hindi na siya ganun kataas kumpara no’n dahil napapanood na rin siya online.Nagulat nga ako na sa Tiktok ay napapanood ang “Ang Probinsyano ” ni Coco Martin. Natanggap na rin mg viewers ang bagong tambalan nila ni Jane de Leon. Ang “Huwag Kang Mangamba” nina Andrea Brillantes, Seth Fidelin, Francine Diaz Ay Kyle Echarri ay nagti-trending pa rin. Pati na ang ‘Init Sa Magdamag’ nina Yam Concepcion at Gerald Anderson. Surprisingly ay pinag-uusapan nga ang ‘My First Yaya’ nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Feeling ko naman bumalik na ang televiewers ng Kapamilya at makikita ito sa taas ng views nila tulad na lamang ng ‘Init Sa Magdamag’ na napapanood din sa WeTV.

RODEL FERNANDO: In fairness sa First Yaya ito ang teleseryeng talk of the town ngayon. Made na made na nga itong si Sanya at klik sa manonood ang tandem nila ni Gabby.

Pero may mga teleserye ang GMA 7 na hindi mo maramdaman gaya na lamang nu’ng kay Barbie Forteza na nakalimutan ko ang title. Talagang hindi siya napag-uusapan kahit napakaganda pa ng casting.

Isa pang teleserye ng Kapuso ang mukhang hindi rin maramdaman ay ang pinagbibidahan nina David Licauco at Julie Anne San Jose. Love ko pa naman si David pero sa nakikita ko ay wala silang chemistry. Ewan ko ba kung bakit sila pinagtambal. Sana ibang kapareha na lang ang binigay kay David at baka kagatin pa ang serye. Ganundin kay Julie Anne na sana naghanap din ng kapareha na kakakiligan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Agree ako na bumalik na ang manonood ng Kapamilya mula nang sabay na ipinapalabas sa TV5 at A2Z.

Pero prangkahan ayaw ko na ng stress after ng work. Bet ko ‘yung masaya, kinikilig, bagong putahe kaya pinapanood ko ang First Yaya.

Nang matapos ang I Can See You (Season 2) sa Kapuso lumipat na rin ako sa Huwag Kang Mangamba. Nasubaybayan ko kasi na maganda ang tinatakbo ng serye sa marathon airing nito nu’ng Holy Week. Sa panahon ng pandemya kailangan natin ng inspirasyon at pananalig na binibigay ng naturang serye. Hindi ko na rin binitawan ang panonood ng ‘Init sa Magdamag’ dahil bukod sa maganda ang kuwento, mahuhusay pa ang mga artista.

Hindi ko kasi bet ‘yung tambalan nina Julie Anne at David.Wala silang appeal sa akin para panoorin ko sila. Mas tinutukan ko pa dati ang tandem nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa seryeng “ The Lost Recipe” ng GTV. Ramdam ko ang chemistry nila at ganda ng serye. Sayang nga lang at maagang tinapos ito. Pero sa true, may future ang tambalan nina Mikee at Kelvin, huh!

Then, bumabalik ako sa ‘Owe My Love’ nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa GMA. Gusto ko ‘yung light lang, medyo comedy at kahit may problemang pinagdadaanan ang pamilya ay nagagawan nila ng solusyon. Nakaka-relax lang na panoorin ito.

Ang maloloka ka nagugustuhan ko ang Koreanovela ng Kapuso gaya ng Dr. Romantic 2 na agad kong tinapos sa Netflix dahil kasabik-sabik ang mga sumunod na eksena. Nang magwakas ito ay pinalitan ng The Penthouse. Nakumbinsi na naman akong kailangang tapusin ang seryeng ito at hindi na ako makapaghintay kaya pinagpupuyatan ko ngayon sa Viu. Pero siyempre, iba rin ang tagalog version nito kaya tutukan pa rin.
Bukod diyan , tuwing Sabado pinapanood ko na rin ang ‘Agimat ng Agila’ ni Senator Bong Revilla sa GMA. Parang pelikula ang dating. Hanep ang ilaw, sound, production design, istorya, cast. Matinong aksyon teleserye.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.