Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julie Anne echosera kay Janine

0 529

Ni: ALWIN IGNACIO

Sadyang mabait o plastikada sa pagkuda ang tinaguriang Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose? Ang pangkat katkatera, iyan ang naglalarong tanong sa kanilang pag-iisip matapos malaman ang reaksyon nito tungkol sa pag-unfollow sa kanya ni Janine Gutierrez sa isang social media site.

Nagdabog ang bangs ng mga taga-pangkat katkatera dahil ang kuda ni San Jose tungkol rito, alam mong aral na aral. Siya mismo,sini-censor ang kanyang mga saloobin. Careful na careful. Lahat ng mga makakarinig sa mga sinabi niya,puwede talagang konklusyon na tunay na matimtimang birhen si Julie Anne with no mean bone in her body.

Itsura bang ang common denominator nila ni Gutierrez ay si Rayver Cruz. Ang nakalipas na di na dapat balikan ni Janine si Cruz kasi nga may closeness na ito sa kasulukuyan kay Paulo Avelino. Sa usapin kung may dekolor na ang pagiging malapit nila ni Rayver, ang pangkat katkatera napatiim bagang na lang sa kiyeme latik niyang “dapat si Rayver ang taanungin” tungkol sa kanilang estadong pangrelasyon.

Limitless talaga ang pagiging mabini nitong si San Jose kaya damang-dama talaga nating lahat na limitless din ang kanyang estrella at kasikatan.

Ang mga panatiko at supporter nga ni Rita Daniela takang-taka na at gustong mahibang kung ano ba ang taglay na pambihira nitong si San Jose kaya siya talaga ang pilit na pilit ipalit sa binakanteng trono ni Regine Velasquez-Alcasid?

Halatang-halata naman talaga ang pushing at pulling sa karera nitong si Julie Anne kaya valid ang pagmaasim ng maka-Rita , huh!

Well, naway dumating na talaga ang panahon na bumula na ang bibig ni Rayver Cruz . ‘Yung aamin na yes sila nga ay may relasyon ni Julie Anne.

Nang sa gayun, hindi parang puzzle na yoi need to put together pa ang mga sagot niya sa tanong.

Umay na umay ang lahat sa mga dramaramang dapat lalaki ang maunang umamin. Mas lalong nakakabuwiset ang mga kudang “hindi masama ang loob” niya sa pag-unfollow ni Janine kasi nga wala siyang malay o wala siyang pakialam sa trip ni Gutierrez.

Ang diva that you love, gusto na talagang manalig na itong si Julie Anne limitless ang pagiging etchosera na, eklatera pa, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.