Abante Tonite Interactive

Julie Anne kabog sa bagong GF ni Benjamin

0 653

Nag-react ang mga netizen sa post ng Kapuso actor na si Benjamin Alves. May kaugna­yan umano ito sa babaeng nagbibigay sa kanya ng inspirasyon sa ngayon.

Ito ay walang iba kundi ang commercial model na si Chelsea Robato na minsan ding napabalitang na-tsismis sa model-actor na si Clint Bondad.

Kinilig ang madlang pipol sa palitan ng kanilang sweet messages.

Binigyang-kulay nila ang komento ni Benjamin sa IG niya na “@chelseamaey you make me the happiest.”

Sinagot naman ito ni Chelsea na, “@benxalves you do too.”
Iba’t iba ang na­ging reaksyon ng mga netizen sa kanilang rumored romance.
May mga nagsabing wala raw binatbat si Julie­ Anne sa girl dahil hamak na sexy at maganda ito.

Sey naman ng iba, bagay raw sila dahil pareho silang brainy. Pareho silang may mataas na pinag-aralan.

Si Benjamin ay graduate ng kursong English literature samantalang si Chelsea ay nagtapos ng business course sa University of Guam. ­(Archie Liao)