Abante Tonite Interactive

Julie Anne, kasundo si Benjamin sa Pokemon GO!

By
Julie Anne San Jose
9

Soulmates ba sina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose?
Magkasundo ang dalawa sa music, songwriting, paggawa ng tula at Pokemon Go.

Madalas silang kakiligan ng netizens sa pagpapalitan nila ng mensahe sa social media.
Nag-tweet si Ben, “I guess, you’d say, What can make me feel this way? My girl, my girl, my girl, Talkin’ bout my girl.”

Sagot ni Julie Anne, “your singing voice please”
Agad nakakalikom iyon ng likes at retweets!

Abante Hiring – IT dep

***

IPINAGBUBUNYI ng ating bayan ang pagkapanalo ng silver medal ng ating pambato sa weightlifting sa Olympics after 20 years. Pero nagtatanong ang mga Pinoy pati na ang sportsman na Mayor ng Ormoc na si Richard Gomez kung bakit walang local station na nagpapalabas ng Olympic games.

Not even TV5 na kilala sa mga special Sports Coverages or the go­vernment channel.
Anyare?
Mahalia Jackson ba talaga?

***

Pia Wurtzbach
Pia Wurtzbach

Eh ano naman kung nakipag-live in si Pia Wurtzbach bago siya naging Miss Universe?
Siguradong tataas ang arko ng kilay ni Maria Isabel Lopez diyan dahil hindi man siya favorite ex-Binibining Pilipinas Universe pero look where she is now… an indie superstarlet!

Royalty pa rin ang dating!

***

Magpapakain na naman ng adobo ni Juanita si Judy Ann Santos sa gala premiere ng kanyang pelikula sa Cinemalaya na Kusina. Bukod sa kanyang pamilya, expected dumating mamaya ang mga malalapit na kaibi­gan ni Juday na sina Gla­dys Reyes, Jolina Magdangal, KC Concepcion, Iza Calzado, Agot Isidro at marami pang iba.

Nangunguna pa rin sa takilya ang entry ni Juday na deserving maging Best Actress sa independent film festival sa CCP.

***

Judy Ann Santos
Judy Ann Santos

Mapangahas ang tweet ni Kakai Bautista, “Talagang appreciative lang ako. Di ako nag aaksaya ng panahon para di ipakita na mahal kita. Pero magkaiba ‘yung mahal kita sa in love ako sa ‘yo.”

Sino kaya ang pinatatamaan ni Kakai?
Co-star kaya niya iyon sa Conan My Beautician?

***

Patuloy na kumukurot sa puso ang mga ganap sa panghapong drama series ng GMA 7 na Sa Piling ni Nanay.
Hindi makapagsumbong si Maya (Sofia Cabatay) sa kanyang lola (Nova Villa) kung paano siya pahirapan ni Scarlet (Katrina Halili).

Dahil kay Jonas (Mark Herras), makakausap ni Maya ang nanay niyang si Ysabel (Yasmien Kurdi) pero mahuhuli sila ni Scarlet. Lagot!

***

78 y/o nang pumanaw si Direk Deo “Dikong” Fajardo.

Sa August 11 at 10:00 AM ang cremation rites sa Loyola Commonwealth.
Nanguna si Robin Padilla sa pakikiramay at pag-aayos ng labi ng yumaong discoverer.