Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julie Anne kinuyog sa pagdikit kay Alden

0 229

Pangmalakasan ang pambabastos sa pagiging babae at pagkababae ni Julie Anne San Jose.

Sino at saan kaniyo galing ang bashing at hating para sa dalagang mayumi, your guess is as good as mine.

Itinabi lang siya ni Gabbi Garcia kay Alden Richards, inaglahi na ang kanyang pagkatao, pinutakti na siya ng mga dalahira at katkatera. Ipinaramdam at ipinakita sa lahat ang fuerza ng kanilang mga poot at suklam.

Bakit nga ba takot na takot ang mga ito kay Bb. San Jose? Ano ba ang taglay niyang pambihira at para sa mga laiterong ito, she does not deserve a Richard Faulkerson Jr.

Dapat ang pamunuan ni Julie Anne, ikasa na ang tambalan nilang dalawa ni Alden. Alam naman natin ang katotohanan the other side of the hate coin is love ergo. ‘Pag pinangalandakan na talaga ang kanilang “partnershop” tiyak love, love, love pa rin ang maghahari.

At kung sakaling pre-Menggay Mendoza eh eh Faulkerson Jr was smitten kay San Jose, must we take it against her. Eh, paano kung may espesyal na espasyo talaga para sa romantikong puso ni Asia’s Multimedia Star si Julie Anne, hindi ba kayo dapat maging maligaya na maligaya ang iniidolo niyo? It is not as if you know him so well at naka-monitor kayo sa kanya 24/7, right?

Sa true lang, disente, matino, tapos sa

pag-aaral at may ganda naman itong si Bb. Julie, at iyan ang totoo.

Alam naman natin at halatang-halata talaga na si San Jose is one of the most favored Kapuso princesses kahit pa nga sila lang ang nakakaalam at nakakaramdam na sikat na sikat pala ito. And kung alam nila how to engage in the art of war and boost her stock and estrella further, hindi na dapat pang unti-unti at dahan-dahan ang pagsasama at tambalan nina Julie Ann at Alden.

Sino-sino ba ang ayaw niyong saktan ang damdamin? Buwag na ang AlDub, hindi na sila “sikat” bilang tandem at sa totoong buhay, may Arjo Atayde na ang Philippine Sweetheart Mendoza.

With Alden as Julie Anne’s prince charming for reel and real, ewan ko na lang kung hindi nerbiyusin ang ibang existing love teams, huh!

**

Ben and Ben’s Paolo kakampi ng LGBTQ

Maraming mga diwata at sirena ang tuwang-tuwa ngayon kay Paolo Benjamin Guico. Of course hindi pwedeng i-the WHO ang binata dahil siya ang isa sa wonder twins na central figures sa love by the millennials band, ang Ben & Ben,

SM food to go Banner Ad

Of late, Guico has been wearing dresses at ang paliwanag niya tungkol dito: “Never assume anyone’s gender based on the clothes they wear.Hay Pilipinas, ang layo pa natin. Sigh.” At dagdag pahayag niya pa: “Higit pa rito, mali ang mag-assume na ang isang bagay o gawain ay panlalaki o pambabae lamang.Kids, be free to be yourselves, don’t let anyone bring you done.”

Palakpakan na may kasamang sigawan rin ang dapat ibigay kay Paolo dahil sa kanyang posisyon patungkol sa salitang “bakla”

Ang kanyang paliwanag: “Panghuli, sana’y makamove-on na tayo bilang bansa sa paggamit ng “bakla” bilang insulto. as a heterosexual male, i may not be in the place to speak for them but, i will fiercely fight for our LGBT friends and listeners. you are valid, accepted and loved. Pilipinas, let’s grow up!”

Ano nga ba ang masasabi ng diva that you love kundi mahusay ka, mabuhay ka Paolo Guico. Mabuhay ang Ben & Ben.

**

Miguel ‘iniwan’ na si Bianca

Si Miguel Tanfelix ang Steve Armstrong sa “Voltes V Legacy: at ang Jamie Robinson naman ay si Michelle Ortega.

Bonggang career boost ito para kay Tanfelix lalo na nga’t for the longest time, eh lagi na lang siyang associated with Ruru Madrid’s jowa, si Bianca Umali.Ngayon ay patutunayan niyang kaya nang magsolo kahit walang BiGuel.

Ay kay Michelle, just like the three actors na naging Big Bert at Little Jon Armstrong at Mark Gordon, bigla siyang pasok sa the WHO no more category,

Ang mga taga-Bozania naman ang susunod na ipakilala sa mga Kapuso.

Kilig na kilig naman ang sangkabekihan sa “suck and blow” game nina Tony Labrusca at JC Alcantara na payanig para sa kanilang Valentine different kind of love movie.

Ang sabi nga ni Labrusca sa kaganapan matapos silang tanungin tungkol dito: “Wala, we’re just better at sucking and blowing than everybody else”

Juice colored! Ang tili ng mga baklang walang sound, parang pangmalakasan dahil sa pahayag na ito ni Tony.

At kapag pinanood niyo ang game, kahit pa nga may game card na humaharang sa mga labi nilang dalawa ni Alcantara, ang natural reflex when two lips meet, talagang kusang pumipikit ang mata nila. Talagang rinig na rinig din ang kanilang sucking and blowing paghinga. My gosh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.