Abante Tonite Interactive

Julie Anne may future kay Alden

By
0 166
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

The cat is literally out of the bag, so to speak. Buong ningning, walang halong pag-iimbot at buong katapatan na inamin ni Julie Anne San Jose na may tandang pandamdam na ang relasyon nila ni Benjamin Alves.
Yes, my dear Abante TONITE readers, hiwalay na ang de-kolor at puti nila, since last year pa at tila masalimuot o malupit ang kanilang paghihiwalayan dahil hindi sila magkaibigan.
Ngayong ang drama ni San Jose ay mas focused muna sa kanyang karera at maraming mga bagay-bagay, ang hiwalayan bang ito will bring out the best in her? Ang mga kantang sentimental, mas lalo bang buhos na buhos ang kanyang emosyon? Every word and every line ba ngayon, eh iba na ang interpretasyon? Does she still remember Alves, pero ang kanyang damdamin para sa matalino at makisig na binata, unti-unti na niyang kinakalimutan?
What happens now to Benjamin? Alam naman nating la favorita si San Jose sa Kamuning station, may impact at repercussion kaya ang paghihiwalay na ito sa kanyang karera bilang Kapuso leading man?
Ngayong wala na siya sa piling ni Julie Anne, ang mga babae at bekibel bang may lihim na pagtingin at pagnanasa sa binatang masarap dila-­dilaan, nagbubunyi na kaya at naglulundag sa galak at tuwa dahil may chance na silang maging kanila si Benjamin?
Gusto ba ni Alves na may karelasyon kaagad, rebound kumbaga or he will take some time to heal his broken heart?
Si Julie Anne, work ang kanyang therapy lalo na nga’t may paparating itong concert with Christian Bautista at iba pang newbie ­Kapuso singer.
Eh si Alves, ano ang form of therapy niya, running, painting, ­poetry or literature?
Ang isang kaabang-abang na episode, nga­yong single ang status ni San Jose, ang single niya ring male friend na si Alden Richards, ito na ba ang tamang panahon at pagkakataon na sila ay magsanib-puwersa sa isang pangmalakasang teledrama o kahit sa isang romantic music video?
Ang usok tungkol sa “closeness” at “something special” na pinagsasaluhan nila ni Pambansang Bae, hindi mamatay-matay. Ngayon kaya, magiging naglala­gablab na apoy na ito at hindi na basta-basta usok lamang?
Walang duda na maliwanag ang magi­ging hinaharap ni Julie Anne kung saka-sakaling magiging major, major ang status ng friendship nila ni Alden. Mala-two less lonely people in the world sila ‘pag nagkataon. Ang saya nu’n, huh!

Angelica magdadamot sa mga fan

Gusto ko ang mga the move na ganito, ‘yung alam mong kumikilos sila ayon sa kanilang ganda at tunay na may pribelihiyo silang magsuplada.
Ang maganda at matalinong si Dominique Cojuangco, ang yayamaning reaction matapos siyang parunggitan na “illegitimate child,” “Quite rich coming from someone with a bible verse in their bio. Hope God blesses you with happiness and contentment.”
Ang tawag sa emote na ito ni Dominique, “killing an ignorant and idiotic person with kindness.”
Sa mga fantard na assumera at feeling close na parang may say sa mga nangyayari kina Angelica Panganiban at Carlo Aquino, ang kuda ni Panganiban, “Walang aayusin samin. Wala na lang kayong maririnig from now on tungkol samin. Magdadamot na ko.”
Dapat Ms. Angeli­ca, noon mo pa ipinagdamot ang “closeness” at ang “reunited and it feels so good” eme niyo ni Aquino kasi nga, marami-rami rin sa inyong mga follower ang feeling entitled at umaarteng they know you guys inside and out. Palakpakan na may kasamang sigawan for you Bb. Panganiban dahil inilagay mo na sila sa dapat nilang kalagyan. You are stars, kaya dapat, tinitingala nila kayo.
Ang kontrobersyal na DFA Secretary Teddy Boy Locsin, ang Twitter post para sa mga inggit na inggit kay Kris Aquino, “People against Kris are just f**king envious of her wealth, her looks, her work ethic—she never stops working, her success and her pedigree. Period.”
If you have a defender like Mr. Locsin, may kuda at hanash pa kaya ang mga kalaban niya?