Abante Tonite Interactive

Julie Anne, naalangan kay Benjamin

By
Julie Anne San Jose
14

PAGKATAPOS mag-graduate ni Julie Anne San Jose ng kursong Mass Communications sa Angelicum College, puwede na raw siyang magka-lovelife.

Isa sa napag-usapan sa press launch ng bagong album ni Julie Anne na Chasing The Light ay ang napapa­balitang panliligaw sa kanya ng Kapuso hunk at isa sa mga bida sa A1 Ko Sa’yo na si Benjamin Alves.

Hirap na hirap ang Asia’s Pop Sweetheart sa pagsagot kung ano na ba ang namamagitan sa kanila ni Benjamin.

Halos dalawang taon na silang nagkakilala pero nitong nakaraang concert niya sa Kia Thea­ter, doon nagsi­mula silang naging­ close nang pinanood siya ng Kapuso hunk.

Hindi niya deretsa­hang masagot kung nanliligaw ba sa kanya si Benjamin.

“We’re okay. We’re good. We’re getting to know each other,” naaalangang sagot ni Julie Anne.

Hindi niya masagot kung gusto rin ba niya si Benjamin. Mas gusto sana niyang huwag na lang masyadong pag-usapan, at tungkol na lang sa album.

“I like him,” pakli ni Julie Anne.

“If ever naman po na mapupunta dun, we’re not gonna hide anything. We get along.

“If ever na we get there, wala naman pong kailangang i-rush eh. It’s important that you build a good foundation,” dagdag na pahayag ni Julie Anne.

Ang nagustuhan niya kay Benjamin ay napa­kagalang nito lalo na sa pamilya niya.

Mahilig pa gumawa ng poems si Benjamin at hindi na kami sinagot ni Julie Anne kung ilang poems na ang nabigay sa kanya.

Pero hindi pa rin naman talaga lovelife ang prio­rities ni Julie Anne.

Bukod sa kanyang singing career, pinag-iisipan din ni Julie Anne na magturo sa school na pinag-graduate niya.

“Gusto ko rin po ma-experience ang teaching kasi si mom po, teacher siya sa computer at saka sa typewriting.

“So before, sinasama niya ako palagi sa office niya. Sabi ko, parang gusto rin magturo.

Parang masaya po kasi.

“I think it would be nice if I get to share kung ano man ang natutunan ko,” saad pa ni Julie Anne.

Gusto sana niyang magturo ng subject na Science o Physics at Algebra dahil paboritong subjects niya ang mga iyun.

Naka-schedule si Julie Anne sa ilang mall shows para i-promote ang album niyang Chasing The Light.

May album promo siya bukas sa Barangay LS at Pagcor Malabon, at mall show sa Pavilion Mall Biñan, Laguna sa Linggo (July 24).

Magpo-promote din siya sa Pagcor Pavilion-UN Avenue, Manila (July 29) at Pagcor Angeles (July 30).

Pormal na ilu-launch ito sa Sunday Pinasaya sa July 31 (Linggo), kasunod ang pagbisita sa SM Pampanga.