Abante Tonite Interactive

Julie Anne, pasado sa pamilya ni Benjamin

By
21

PAGKATAPOS mapanood ang pelikula ng napakagaling na si Meryl Streep at High Grant na Florence Foster Jenkins, mara­ming nagsasabing magandang gawan ng local counterpart ang pelikula with such a very telling title — Concert Queen or even Comedy Concert Queen.

Tapos, magandang ipalabas ang record setting University of Life concert na pinatigil dahil inulan o ‘yung old performances ni Ai Ai de las Alas sa Musicbox.

Ang tanong, gusto kaya ni Pops Fernandez o ni Ai Ai na gampanan ang kanilang interesanteng life stories?

***

Julie Anne San Jose
Julie Anne San Jose

Kinumpirma nina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves na exclusively dating na silang dalawa.

And for Ben, tinawag niya na right timing ang pagdating ng singer sa buhay niya.

Excited na ang pamilya niya na makilala si Julie Anne.

Sabi ni Benjamin, “Yeah, e­verything happens for a reason. Everything happens on the right time.

“My family is not here but they are very excited to see her. I share pictures with them a lot, so, alam naman nila ‘yung nangyayari with me and Julie.

“They get to communicate na naman kay Mommy, so were good.”

Tuluy-tuloy ang pagpapakilig nina Julie Anne at Benjamin dahil sila ang bibida sa upcoming series ng GMA Network na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Kasama rin sa serye sina Jean Garcia, Martin del Rosario, Victor Neri, Lharby Policarpio at LJ Reyes.

***

Romano Vasquez
Romano Vasquez

Binalikan ni Romano Vasquez ang kanyang ‘first love.’

Member noon si Romano ng That’s Entertainment. Doon nabuo ang grupong Quamo nila nina Ronnel Wolfe at Carey.

Andami niyang pinagdaanan sa buhay. Nag-host siya sa Japan. Nawalan ng career. Na-depress. Nalugmok sa droga.

Pero hindi siya ganap na sumuko.

Iwinaksi niya ang masamang bisyo at pa­tuloy siyang nagsumikap hanggang sa nakabangon siya.

Naging responsible siyang asawa, at ama sa kanyang mga anak.

At ngayon ay may album siya, Chicken Adobo na naglalaman ng limang kanta.

First love niya ang pagkanta.

Ani Romano, “Life is really like a dish. All the mistakes and failures are not the opposite of success, but rather the ingredients of success.”

***

Mapaglaro talaga ang buhay.

Habang isang anak ng singer ay nakatagpo ng kapwa singer na maging karelasyon nito, ang isang anak na nagkaroon din ng mga ex-GF na singer ay napapabalitang hiwalay na sa kanyang asawa.

Since kasal sila, sana eh may pag-asa pang magkaayos sila ng mi­sis niya.

Sad.

***

Naku, Tio Fando!

Nasa Xtube pa rin pala ‘yung ALLEGED sex video ng pogilicious na si Luis Hontiveros.

Hindi totoo ang chika minute na deleted LAHAT ng kopya ng nasabing batibot video.

Moreover, andami-dami pa ring scandalicious videos ng local celebs sa internet, huh?!

Teka, available ba sa tindahan ni LIGAYA sa Quiapo ang bayabas vi­deos na ‘yan?

Eh ‘yung mga pokla at divakla na masigasig mag-research, kung anu-ano ang natitisod sa social media, blogs at portals.