Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Julie Anne tinawag na ‘Asia’s Limitless Star’

0 350

Opisyal nang ipinakilala ng GMA si Julie Anne San Jose bilang “Asia’s Limitless Star” kasabay ng media conference para sa kanyang “LIMITLESS, A Musical Trilogy.”

Sakto raw ito sa new project na ipapamalas niya ang husay sa pagiging singer, songwriter, dancer, actress, host, at multi-instrumentalist sa iba’t ibang unexpected locations sa Mindanao, Visayas, and Luzon.

Talaga namang swak na swak para kay Julie ang titulo na ito. Well-deserved din sa dami nang napatunayan na niya sa kaniyang showbiz career. Siguradong ipagmamalaki na naman ito ng mga proud and loyal fans niya!

Kasalukuyang napapanood si Julie sa ‘All-Out Sundays’ at naghahanda na para sa pagbibidahan niyang musical series na ‘Still’ kasama ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista.

Samantala, available na ang tickets para sa “Limitless, A Musical Trilogy” sa gmanetwork.com/synergy

Anthony,Mikee pasabog sa GMA Playlist

Thankful ang mga napiling GMA Artist Center talents sa pagiging parte nila ng bagong sublabel ng GMA Music na GMA Playlist.

Fresh at trendy tunes ang tampok sa GMA Playlist para sa new generation of listeners kaya naman swak na swak ang mga talento nina Mikee Quintos, Arra San Agustin, Anthony Rosaldo, Crystal Paras, Denise Barbacena, Faith Da Silva, Jeniffer Maravilla, Kaloy Tingcungco, Kim De Leon, Lexi Gonzales, Shayne Sava, Mark Herras, at Seb Pajarillo!

Sa ginanap na official launch, aminado ang lahat na looking forward na silang umpisahan ang kanilang musical journey sa ilalim ng bagong sublabel ng GMA . Magkaroon din sila ng opportunity na makipag-collaborate sa mga mahuhusay na OPM artists in the future.

Bukod dito, inihayag din nila kung gaano sila ka-thankful sa GMA sa pagbibigay ng pagkakataon na maipamalas ang kanilang mga talento sa bagong platform na ito.

Talaga namang kaabang-abang ang GMA Playlist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.