Abante Tonite Interactive

Julie pantasya si Daniel Padilla

1,613

Si Julie Forbes ay 22 years old na nangangarap maging isang beauty queen someday. Siya ang candidate No. 3-Batch 3 para sa “Tonite Babe Ganda Mo, Teh.”

Nanalo siyang Bb. Longos noong 2015 at Teen Model noong 2013.

May taas na 5’6” at vital statistics na 33-27-34, si Julie ay isang Bulakenya at graduate ng Computer Technology sa Dr. Yanga College Incorporated. Ang sports niya ay badminton at ang hobby naman niya ay automotive dahil mahilig daw siyang mangalikot ng mga kotse.

Si Julie ay younger sister ng ex-PBB housemate at 2012 Binibining Pilipinas 2nd Runner-up na si Ali Forbes na naging 3rd Runner-Up sa 2013 Miss Grand International at itinuturing niyang isang inspirasyon ang kanyang ate.

Dream din ni Julie na maging beauty queen someday. “Actually plano ko po sumali ng Bb. Pilipinas, pero hindi ko lang po alam kung anong year. Pero gusto kong magkaron muna ng at least mga experience sa work, para at least may fall back ako,” aniya.

Bukod sa ate niya, sino ang idol niyang beauty queen? “Si Pia Wurtzbach, kasi po ‘yung naranasan niya po na bullying, naranasan ko rin po ‘yan noong high school tsaka noong elementary po ako.

Kasi noong time po na ‘yun, ‘di ba ‘yung nalugmok po kami at ako lang po ‘yung naiba ng school sa aming magkakapatid. So, lahat po ng kapatid ko nasa private sila, ako po nandoon lang sa vocational high school.

Ano ang ibinibigay na tip sa kanya ng Ate Ali niya kapag sumasabak sa ganitong kompetisyon? Sagot ni Julie, “Sinasabi niya lang po sa akin, dapat daw po lagi akong prepared, tapos dapat daw hindi ako mag-focus sa kalaban ko, dapat mas more on mag-focus ako sa sarili ko – kung ano ‘yung dapat i-enhance ko. At saka dapat huwag kong isipin ‘yung mga tao sa paligid ko kapag rumarampa ako, mag-focus lang daw ako kung paano ako lalabas na maging maganda.”

Na-try na ba niyang matulog nang ­naked? “Hindi pa po, naka-panty lang at walang suot na T-shirt. Sinubukan ko dahil parang gusto kong ma-feel na sobrang presko, gusto kong makagalaw nang maayos na walang sagabal. Super-enjoy naman, inuulit ko kapag solo lang po ako sa kuwarto,” nakangiting saad pa niya.

Ano ang sexiest part ng kanyang body? “‘Yung boobs po, kasi malaki raw, since bata pa po ako. Pero ang pansinin sa akin talaga ng opposite sex ay ang mata ko at legs ko po.”

Ano ang mas pipiliin niya, sex or chocolates? “Chocolates po, kasi ay hindi ko pa natitikman ang sex, kaya chocolates ang pipiliin ko.”

Sino ang crush niyang actor? “Si Daniel Padilla, ang hot kasi ng mukha niya. Lalaking-lalaki kasi ‘yung mukha niya, tsaka ‘yung kilos niya. ‘Yung boses niya… barakong-barako,” saad ni Julie na nakagawa na rin ng dalawang indie film, ang “The Days of Infamy” at “Jowa.”

Sinong aktor naman ang pinapantasya niya? “Ang ­aktor pong pinagpantasyahan ko, ano, hindi po… parang gusto ko ‘yung story lang, si Superman. Kasi ‘yung symbol niya parang nagbibigay siya ng hope… At si Daniel din po, kasi po lalaking-lalaki ‘yung dating sa akin ni Daniel, sa kilos, ‘tsaka sa porma. At saka kung paano niya itrato si Kathryn, eh, thumbs-up po sa ­aming mga girl ang ganoon, eh,” wika pa ni Julie.

Sa mga gustong sumali para maging TONITE Babe para sa buwan ng November, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio-data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite si “Julie Forbes, Tonite Babe #3-Batch 3 for September” (70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa TONITE Babe, Abante TONITE office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Ave­nue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Ma­nagement Services hanggang sa second degree of consanguinity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Julie Forbes, ­du­malaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.

Creative Director: Roldan Castro; Project Director: Mikel Alip; Photographer: JR Noses; Makeup: Cut Encarnacion Group of Salon, Creative Team: Ehl Jhey Madrigal, Carla Craven, Jhosa Han.