Abante Tonite Interactive

Juls binakuran ng aktor

1,014

Allan Diones

Nagdiwang ang CocoJul fans sa paglabas nu’ng sinasabing photos ni Julia Montes na kuha after nitong mawala nang matagal sa eksena (at mapa-balitang isinilang nito ang anak umano nila ni Coco Martin).

Isang CocoJul fan account ang source ng nasabing pics ni Julia na kuha raw sa bahay ni Coco somewhere in Quezon City.

Ayon sa nabasa na-ming comments, bago raw ang pics na ‘yon dahil halatang medyo ma-laki pa ang tiyan ni Julia, bilang hindi naman daw agad umiimpis ang tiyan pagkapanganak.

Kuha raw ‘yon mula sa IG Story na hindi sinabi kung sinong nag-post. May isang shot na kita si Coco, pero medyo naputol ang mukha nito.

Sapat na ‘yon para ma-happy at kiligin nang bongga ang CocoJul fanatics dahil ibig sabihin ay magkasama raw ang dalawa.

As in binakuran na raw pala talaga ni Coco si Julia at all the while ay magkasama raw pala ang dalawa.

Naghihintay na lang daw ang CocoJul fans kung kailan aaminin nina Julia at Coco ang tungkol sa kanilang anak, so looking forward daw sila sa araw na ‘yon.

Hirit ng ibang CocoJul fans na tuwang-tuwa sa pics na ‘yon, baka raw magreak ang CocoYas fans.

Kung meron kasing mga pabor sa tandem ni Coco with Yassi Pressman, meron talagang mga solid pa rin ang suporta sa CocoJul at si Julia lang ang bet nila para kay Cardo.

May nag-comment na kesyo fake news daw ‘yon at matagal na raw ang pictures na ‘yon.

Oh well, hangga’t hindi sina Julia at Coco mismo ang nagpu-post ay mahirap talagang masabing legit o official ang anumang pictures na naglalabasan sa social media.

Basta para sa kanilang mga tagasuporta, masaya sila sa nakita nila at paniniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan.
PAK!!

‘Starstruck’
hopeful walang
pamasahe
papuntang GMA

Ipinakilala na sa press ang Final 14 Hopefuls ng “StarStruck” Season 7.
Ang Final 7 females ay sina Pamela Prinster (18, Cavite), Angelic Guzman (18, Laguna), Dani Porter (17, Quezon City), Ella Cristofani (18, Pateros), Shayne Sava (17, Rizal), Lexi Gonzales (19, Manila) at Rere Madrid (18, Marikina).

Final 7 Males sina Abdul Raman (16, Marikina), Karl Aquino (18, Cavite), Kim de Leon (19, Batangas), Jeremy Sabido (21, Laguna), Gelo Alagban (17, Iloilo), Jeremy Sabido (21, Laguna), Jerick Dolormente (20, Camarines Sur) at Allen Ansay (16, Camarines Sur).

Sa girls ay malakas ang dating ni Pamela na taga-Colorado at lumabas na dati sa “That’s My Amboy” ng GMA (at pi-normahan ni Andre Paras) at saka ang younger sister ni Ruru Madrid na si Rere, na pinakamatangkad (5’9” ang height nito) sa girls.

Pam-beauty queen ang dating nina Pam at Rere, na parehong may balak mag-join sa Bb. Pilipinas in the future.

Ma-appeal sa boys ang kikay komedyana at Bela Padilla lookalike na si Dani, kahit boyish ito at medyo makulit kausap.

May tou-ching m­oment naman ang taga-Bina-ngonan na si Shayne, na walang pamasahe papuntang GMA at nanghihiram lang ng pera. May mga press tuloy na nagbigay ng datung kay Shayne nu’ng mediacon dahil naantig sa kuwento niya.
Among the boys ay cutie pie ang Fil-Egyptian na si Abdul na magaling sumagot at lumabas na sa mga commercial.

Malakas din ang da-ting ng sinasabing Alden Richards-lookalike na si Jerick, na walang keber mag-post ng naka-trunks sa beach kaya nabansagan itong Bukol King at proud naman ang binata sa tag niya na ‘yon.

Cute din ang bagets na si Allen, na mahiyain at galing probinsya kaya may Bicolano accent pa.

Gaya ni Abdul ay TVC model din ang Batangueñong si Kim, na biggest threat daw among the boys dahil talented ito at charming.

Nagmarka naman sa press ang kuwento ni Jeremy, na paslit pa nang abandonahin ng kanyang ama at inampon ng isang bading na siyang nagpalaki at nagpaaral sa kanya.

Ngayong pasok na sila sa Final 14, sasabak na sila sa mas maraming artista tests gaya ng singing, dancing at acting.

Huhusgahan sila ng judges na magbibigay sa kanila ng 50% score at ang kalahati ay mangga-galing sa audience votes.

Mapapanood ang artista journey ng mga bagets sa “StarStruck” every Saturday after “Daddy’s Gurl” at every Sunday after “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa GMA.