Abante Tonite
Mabilis sa Balita

July 17 dineklarang National Physiatry Day

0 64

Dineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang National Physiatry Day ang July 17.

Sa nilagdaan niyang Proclamation No. 1017, sinabi ng Pangulo na ang musculoskeletal condition ang ikalawang pinakamalaking dahilan ng kapansanan ng bawat tao worldwide. “Given the growing number of patients with rehabilitation needs in the country, there is a need to strengthen support in providing access and affordable medication and rehabilitation to them by raising awareness and encouraging collaboration among relevant stakeholders,” sabi ng Pangulo sa proklamasyong inilabas sa publiko nitong Biyernes.

Ang physiatry ay kilala sa ‘physical medicine and rehabilitation’. Layon nitong maiwasan ang pagkawala ng abilidad ng pasyente na may kapansanan. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.