Abante Tonite Interactive

Jumper ni Victoria naging alas ng Mapua

UMESKAPO!

By
0 486

Standings
W L
LPU 12 0
SBU 11 1
CSJL 7 4
CSB 7 4
UPHSD 5 5
AU 4 6
SSC-R 3 9
MU 3 8
EAC 2 9
JRU 2 10

Isinalba ni Laurenz Victoria ang Mapua University matapos isalpak ang game-winning turnaround jumper.

Nakalsuhan ang six-game skid ng Intramuros-based squad Cardinals matapos hablutin ang 81-79 panalo laban sa Jose Rizal University kahapon sa 94th NCAA basketball NCAA Season 94 tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Tabla ang iskor sa 79 may 21 segundo na lang sa orasan, kinapitan ni Victoria ang bola, nagdribol at saka sumalaksak pakanan upang isalpak ang panelyong puntos at ilista ang pangatlong panalo ng Cardinals sa 11 laro.

May 1.5 segundo pa sa orasan, may tsansa sanang makahirit ng overtime game ang Heavy Bombers subalit mintas ang pabandang tira nito.

“Itira daw namin sa last five seconds sabi ni coach, (Atoy Co), ‘pagkakita ko sa shot clock ng six seconds ginawa ko na kung ano ang makakaya ko. Inisip ko na last na ito, swerte na-shoot,” saad ni Victoria.

Nirehistro ni Victoria ang 17 points habang kumana si Warren Bonifacio ng 13 puntos para sa Mapua.

Bumakas din para sa Cardinals sina Noah Lugo at Cedric Pelayo ng tig 10 markers.

Tumipa si Jed Mendoza ng 22 pts. habang nag-ambag si Mark Mallari ng 18 puntos para sa Heavy Bombers na nasa ilalim ng team standings kasama ang 2-10 card.