Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Jun Jin Hyun tinangging hiwalay sa mister

0 297

Marami ang nagulat sa bumulagang balita na magdi-divorce na ang South Korean actress na si Jun Ji Hyun at ang husband nito na isang CEO.

Ang dahilan, nalaman diumano ng actress na may ibang babae ang asawa.

Ang tsismis pa ay may anim na buwan na raw silang hindi nagsasama.

Ang Mister ni Jun Ji Hyun ay si Choi Joon-Hyuk, apo ng isang kilalang hanbok designer na si Lee Young-hee.

Kasing-bilis din ng paglabas ng balita ay ang pagdi-deny ng agency ni Jun Ji Hyun sa isyu at gayundin ng kanyang asawa.

Sa statement ng Culture Depot, agency ng actress, “We have found that groundless rumors about the actress have been indiscriminately spreading online. The sources of these malicious rumors about her are YouTube channel Hover Lab, as well as stock traders.

“We are going to take legal action against the rumormongers who have spread baseless stories about her and her marriage either through news articles or comments.”

Ikinasal sila noong taong 2012 at may dalawang anak na lalaki.

Si Jun Ji Hyun ay isa sa mga kilalang goddess ng South Korea along with Song Hye Kyo at Kim Tae Hee. Dalawa sa memorable drama niya ay ang “My Love from the Star” at “My Sassy Girl.”

At mapapanood din siya sa bagong season ng Netflix’s original na “Kingdom.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.