Abante Tonite Interactive

Jun Lalin: Bisaya, walang alam sa MTRCB!

16

jun-lalinDALAWANG beses nagpunta ng Davao City last week si Annabelle Rama.

The first one ay noong nakipagkita sila ni Pilita Corrales sa ating newly elected President na si Rodrigo Duterte.

Ang pangalawa ay noong Sabado kung saan ay um-attend siya sa victory party ng incoming President.

Kasama ni Bisaya na nagpunta sa Davao City noong Sabado si Sarah Lahbati.

Kuwento ni Bisaya, “After mag-speech ni Pres. Duterte, kumanta si Sarah. Suwerte naman after 30 minutes yata, umulan na ng pagkalakas-lakas.

“After kumanta ni Sarah, dumeretso na kami sa after party na tinatawag at naki-celebrate kami roon.

“Walang bayad si Sarah sa pagkanta niya. Ginawa niya ‘yon para sa new President natin. Kusa namin ‘yon, kaya pati airfare, hotel, kami ang nagbayad.

President Rodrigo Duterte at Annabelle Rama
President Rodrigo Duterte at Annabelle Rama

“Masaya naman si Sarah na na-experience niyang mag-perform doon dahil sobrang dami ng mga tao!”

Samantala, gusto nang tuldukan ni Bisaya ang issue na uupo siya bilang MTRCB head.

Nagtataka siya sa balitang ‘yon.

“Never nag-offer sa akin si Pres. Duterte ng tungkol sa MTRCB. Saka kahit siguro i-offer sa akin, tatanggihan ko, kasi, wala naman akong alam tungkol diyan.

“Nagtataka rin ako kung bakit may ganyang lumabas na balita?

“Kini-clear ko na ‘yan sa mga interview sa akin, pero hindi pa rin matigil.

“Ayoko talaga at nakakahiya na may ganyang balita, kasi, wala namang ino-offer nga sa akin,” paliwanag niya.

***

May tsikang nagpaalam si Piolo Pascual sa ABS-CBN dahil gusto niyang magbakasyon nang anim na buwan.

Hindi raw pumayag ang big bosses ng Kapamilya network.

Hanggang tatlong buwang bakasyon lang daw ang pinayagan nila kay Piolo, kaya umalis na pa-Amerika ang aktor.

Hindi kasama sa bakasyon ni Piolo ang anak na si Iñigo Pascual.

Marami raw kasing commitments si Iñigo na hindi puwedeng maiwanan, kaya naiwan na ito sa ‘Pinas.