Abante Tonite Interactive

Jun Lalin: Lani, halos SOLD OUT na ang concerts sa Europe

9

HANGGANG bukas na lang ang I Love OPM na iniho-host ni Anne Curtis.

Sa Newport Perfor­ming Arts Theater sa Resorts World Manila gaganapin ang finals night nila.

Lani Mislucha
Lani Mislucha
Abante Hiring – IT dep

Kumpleto pa rin ang Himigration officers (judges) na sina Martin Nievera, Lani Misalucha at Toni Gonzaga.

Ang finals night na lang bukas ng I Love OPM ang hinihintay ni Lani at aalis na naman siya ng ‘Pinas.

“After I Love OPM finals night, aalis na kami, pero hindi kami uuwi ng Las Vegas dahil Europe na ang punta namin para sa concert tour ko roon,” sabi ni Lani nang makatsikahan ko kamakailan sa taping ng I Love OPM.

Lani Misalucha In Europe Concert Tour ‘yon at marami siyang lugar na pupuntahan sa Europe para mag-concert.

Kahit hindi ganoon ka-active sa ‘Pinas si Lani, nananatili siyang mabili sa mga Pinoy abroad.
Ilan sa concerts ni Lani sa Europe ang almost sold-out na.

Nakatulong ang pagdya-judge ni Lani sa I Love OPM para mai-promote ang kanyang concert tour sa Europe.

Matindi kasi ang reach ng TFC (The Filipino Channel) ng ABS-CBN abroad, kaya na­ging visible pa rin sa mga kababayan natin si Lani nang lumabas siya sa nasabing show at paminsan-minsan na pag-a-ASAP.

***

Hindi pa malinaw kung may ‘pasabog’ si Rosemarie Sonora laban sa niece niyang si Grace Poe kaya siya umuwi ng bansa.

Kahapon ay sinubukan kong tawagan si She­ryl Cruz, pero cannot be reached ang cellphone number niya na ginamit niya nang mag-text siya sa akin para pasalamatan ako tungkol sa isang magandang naisulat ko tungkol sa kanya (hindi ‘yung tungkol sa mga sinabi niya against Grace, huh!).

Ang Facebook account ni Sheryl, private naman, kaya pinadalhan ko na lang siya ng message, pero as of this wri­ting, wala pa rin siyang reply.

Dahil sa pagiging tahimik ng mag-ina ay lalo tuloy tumitindi ang dudang may ‘pasabog’ sila against Grace na sinasabing puwedeng makaapekto sa kandidatura sa pagka-presidente ng bansa ng anak ni Susan Roces.

***

I love Karla Estrada at type ko ‘yung episode ng Magandang Buhay kung saan guest nila nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal si Vice Ganda.

Aliw ako sa episode na ‘yon, pero ang ibang episodes… parang may kulang, huh!
May Boringga Factor ang ibang episodes ng Magandang Buhay, huh!

Kulang ba sa che­mistry sina Karla, Melai at Jolina?

Noong KrisTV pa ang nasa timeslot na ‘yon, gumigising ako nang maaga para panoorin ang mor­ning show ni Kris Aquino.

Nitong naging Magandang Buhay na ‘yon, gumising ako nang maaga nang ilang araw, pero kahapon, mas pinili ko na huwag na munang gumising ng napakaaga at pinalampas ko na ang episode nila.

Ang isang friend ko na nakatsikahan ko noong Miyerkules, ganoon din ang komento.
Parang may kulang daw sa hosts ng Magandang Buhay, although agree siya na medyo magaling si Karla, huh!

Dapat kayang may palitan sa hosts ng Magandang Buhay?

O dapat na magdagdag ng hosts para bukod sa gumanda ang buhay ay mas maging maganda ang umaga kapag pinanood mo ang kanilang morning show?

Naku, lalo tuloy nakaka-miss si Kris sa umaga!