Abante Tonite
Mabilis sa Balita

June Mar aariba na

0 69

Nabigyan na ng go-signal si six-time PBA Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo na maglaro muli para sa San Miguel Beermen matapos ang tinamong shin injury nitong nakaraang Pebrero.

Ayon kay SMC sports director Alfrancis Chua, nasa maayos nang kalagayan si ‘Kraken’ at maari nang makasali sa team roster ng Beermen sa susunod na kumperensiya.

“He’s okay. We’re expecting him to play next conference or this season. So far, okay siya,” pahayag ni Chua sa naunang ulat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Doc [George] Canlas said may go signal na siya to play.”

Magugunitang nagtamo ng malalang shin injury si 6-foot-10 center dahilan para matengga ito ng halos isang taon.

Maging sa 2020 PBA Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga ay hindi rin siya nakasama ng koponan dahil kinailangan niyang ipahinga ang nasabing injury. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.